Tumigil ako at lumingon ulit sa kanya nang marinig ko ang pangalan ng islang ito. Kumunot ang noo ko.
Tumaas ang mga kilay niya at nagkibit balikat ito.
"Don't assume that I named this Island after you. Hindi pa man kita nakikilala Mariana Island na ang tawag ko." Tapos nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad, nilampasan ako.
"Hindi ako nag-assume!" Okay siguro medyo, bakit kasi kapangalan ko ang islang ito. Tsk.
Sinabuyan ko siya ng buhangin sa likod.
"Kid, come on I don't have time to play with you. Stop playing."
"Kid?! Hoy tanda, hindi ako bata!"
Umiling lang siya tapos tinalikuran ako. Sumunod lang naman ako sa kanya. Hindi ko naman kasi kabisado ang islang 'to. Baka maligaw ako.
Pumasok kami sa bukana ng mga naglalakihang puno, naglakad ng kaunti at sa hindi kalayuan bumungad ang isang napakalaking puting bahay na halos gawa sa bato at salamin.
May malawak na parang garden o field sa harap na puro bermuda grass, may fountain at aisle bago ang mismong bahay.
Automatic na bumukas ang gate nang itapat niya ang kaliwang palad niya sa isang screen, umilaw ito ng berde hanggang sa ni-scan ang buong palad niya. High-tech. Parang siya lang ang pwedeng magbukas at magsara ng gate.
Pumasok siya at hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko habang pinagmamasdan ang gate. Iniisip ko kasi kung paano ako makakalabas. Ang taas ng gate. Kung wala ang kamay ni Maksimillian hindi ito mabubuksan. Or pwede ring may remote pero hindi niya lang gustong ipakita sa akin.
So kailangan ko munang putulin ang kamay niya bago ako makalabas. Tsk.
"There's no way out of here, kid. You'll need me if you want to go outside." Sabi niya habang nakatingin na pala sa akin tapos nag-wink pa ang gago.
Bakit ba parang mind reader ang isang 'to?
"I am expert when it comes to reading your moves, eyes, facial movements, expressions and so on."
Oh edi siya na!
Padabog akong pumasok sa gate. Nakita ko pa siyang ngumisi. Bwiset!
Automatic din na nagsara ang gate.
Ang tahimik ng lugar. Huni lang ng mga ibon sa paligid, pag-iingay ng dahon sa mga puno at halaman dahil sa hangin, at alon lang ng dagat sa hindi kalayuan ang maririnig.
Malamig at presko din dito dahil siguro sa mga puno.
Para ngang reserved ang islang ito, bukod sa bahay na nakatayo ay wala ng ibang mga bahay o imprastruktura sa kalapit na lugar.
"Tayo lang dalawa talaga ang nandito?" Hindi ko mapigilang itanong.
"Yeah."
Napayakap ako sa sarili nang humangin ng malakas. Para pa rin akong basang sisiw. Imagine iyong hoodie at sweatpants na malalaki na suot ko ay basang basa.
Naramdaman ko rin ang hapdi sa noo ko.
"Shit." Sabi ko nang maalala kong kakatahi lang ng malaking sugat ko sa noo tapos nabasa panito dahil sa paghagis niya sa akin sa dagat. Ingat na ingat nga akong hindi mabasa ang sugat nang naglilinis ako ng katawan pero sa huli ay mababasa rin ito, at tubig alat pa. Ngayon ko naramdaman ang hapdi.
Tinanggal ko ang gauze na inilagay ko.
Pagkarating namin sa tapat ng pinto ng bahay niya ay ganon ulit ang ginawa upang mabuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 4: Captured By Him
ActionNot all mafias are heartless, they deserve to love and to be loved. Started: January 2021 Highest Rank Achieved: #1 in Comedy