Chapter 34

5.7K 247 27
                                    

Ria

Nagising ako nang may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko, nakatulog pala ako pagkatapos naming mag-usap. Napansin ko rin na yakap-yakap ako ng isang tao. Napangiti nalang ako ng palihim nang malaman kong si Maksimillian iyon, pabango palang ay alam kong siya na ito. Tumingala ako at ngumiti siya sa akin.

"How are you feeling?" Tanong niya. Gusto kong umirap dahil ilang beses niya nang naitanong iyon simula pa kahapon.

"Ayos lang."

"Good."

Umupo ako at pati siya ay napaupo rin. Tinitigan ko siya ng ilang segundo pagkatapos ay inilapat ko ang kamay ko sa pisngi niya. Hindi pa ata siya natutulog dahil sa eyebags niya. Kasalanan ko kung bakit at bigla akong nalungkot dahil doon. Hindi naman dapat niya ako asikasuhin eh.

"Hindi ka pa natutulog?"

"I'm fine, I could stay awake for days."

Umiling ako, magkakasakit siya kapag hindi siya magpapahinga.

"Pahinga ka muna."

He sighed and just smiled. "Are you hungry? Maya-maya ay nandito na rin an helicopter, let's get you treated okay? I talked to Zyrone and he'll be in charge with your overall treatment together with other Neurologists and surgeons."

Yumuko ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong umasa na sana magiging okay pa nga ang lahat pero kung iisipin na ilang buwan din ang pinalipas ko, parang malabo na ang lahat. Paano kung hindi na pala ako pwedeng maoperahan dahil malala na? Paano kung kapag nagpa-check ulit ako ay mas mas—

"Hey.. look at me." Itinaas niya ang baba ko para tumingin sa kanya.

"Don't overthink things okay? It will be all fine. What did I tell you to do?"

"Fight..." Bulong ko.

Tumango-tango siya. "Yes, Mawi. You fight, okay? Nandito lang ako sa tabi mo, hinding-hindi kita papabayaan."

Pero may iba ka pang buhay bukod sa akin, may iba ka pang responsibilidad at may mas importante ka pang dapat gawin kesa sa akin..

"I know what you're thinking. I told you, you're my priority. You're more important than anything else."

Tumango ako, kung 'yan ang gusto niya ay sige lalaban ako. Lalaban ako hanggat kaya. Lalaban ako para sa kanya. It'll be all worth the fight right? Kahit doon lang siguro maiparamdam kong mahal ko siya. He wants me to fight, he's fighting as well for me so I should too, right?

"Izmael Maksimillian Kinsley.."

"Hmm?"

I love you so damn much.

Pero saka ko nalang sasabihin kapag ayos na ang lahat, it will be more acceptable for him that way. Mas mabilis siyang makaka-move on kung sakaling magkaroon ng problema sa operasyon at sa lahat. Mas okay siguro kapag iisipin niyang hindi ko siya minahal.

"Nagugutom na ako." Sagot ko nalang.

"Alright, I'll get foods for us. Wait for me okay?"

Tumango ako at ngumiti. Huminga siya ng malalim na parang nag-aalinlangan pa kung aalis o hindi. Ilang minuto niya pa akong tinitigan.

"Hoy, ako nalang kukuha?" Tanong ko.

"Hindi ko alam pero ayaw kitang iwan dito ng mag-isa."

"Sige samahan nalang kita?"

"No."

"Kaya ko naman."

"No."

"Eh anong gagawin natin?"

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon