Chapter 12

6.8K 255 52
                                    

Nagising ako at nalamang nasa kwarto na pinuntahan ko kanina na ako. Umupo ako sa kama at hinilot ang sentido ko dahil masakit ito.

Dinala ba ako ni Maksimillian dito? Tsk, oo nga pala, alangan namang naglakad ako mag-isa habang tulog.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok si Maksimillian na may dalang tray ng mga pagkain.

"Oh, just right in time. Ano ang nararamdaman mo?"

Kumunot lang ang noo ko. Hindi ko talaga alam kung nagbabait baitan ba ang lalaking 'to o ano.

Nang hindi ako sumagot ay ngumiti lang siya. "Alright. You need to eat and take your meds after. Sobrang taas ng lagnat mo kanina akala ko papanaw ka na."

Nasapak ko na sana eh, kung hindi lang niya napigilan ng mabilis ang kamao ko.

"I see, I guess you gained your strength from sleeping kahit papaano. Eat Mawi."

Bumuntong hininga ako.

"Can you feed yourself?"

Umirap ako. "Hindi ako baldado."

Tapos sinimulan ko nang kunin yung kutsara at tinidor. Nasa harap ko ang isang maliit na table.

"Why aren't you talking?"

"Ano ba talagang kailangan mo sa akin?" Tanong ko.

"Let's talk about that kapag magaling ka na."

"Wala nga akong alam sa nangyari."

"Just don't mind it for awhile."

"Gago ka pala eh."

"Shhh nasa harap ka ng pagkain, nagmumura ka na naman."

"Tangi--"

"Yes Tangi, just eat." He patted my head like a puppy. Nakakainis!

Tapos tumayo habang nakaharap sa glass wall. Nakatalikod siya sa akin.

"Hanggang kailan pa ako dito?"

"Hanggang sa kailangan kita." Humarap siya at tinitigan ako sa mga mata.

"Hindi pwede."

"Bakit?"

"Mamamatay na ako." Kumunot ang noo niya.

"I won't let that happen."

I scoffed. Sana ganon na nga kadali iyon.

"Death is inevitable, Izmael Maksimillian Kinsley."

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain habang nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ko na inangat ang ulo para tignan siya.

Alam kong matakaw akong tao kaya naubos ko lahat ng hinanda niya. Ang sasarap din ng mga ito. Mas masarap pa sa mga pagkaing nasa mamahaling restaurant.

"Ang lakas mong kumain, pero ang liit mo at ang payat." Komento niya, mapanghusga talaga ang hinayupak na 'to.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy nalang ang pagkain.

Pagkatapos ay uminom ako ng tubig at dumighay ng napakalakas. Wala akong pakialam kung nasa tabi ko si Maksimillian.

"God, Mawi!" Ang arte!

Tatayo na sana ako para ibalik ang mga 'to sa kusina at hugasan na rin pero pinigilan niya ako.

"Ako na. Inumin mo nalang 'yang mga gamot at magpagaling so we can go back to our business. Can you do that Maria Marian Mariana?"

"Huwag mo sabi akong tawagin ng ganyan eh."

"I'll call you that whenever and wherever I want to."

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon