Chapter 28

6K 267 43
                                    

"Ilang araw tayo dito?" Tanong ko.

"Just one."

"Tapos bukas, nasa ibang bansa na tayo? Saan naman 'yon?"

Pumasok kami sa isang eleganteng restaurant. Sabi niya kakain muna kami bago gumawa ng mga leisure activities na makikita rito. Maraming tao sa paligid katulad ng sa mall. Nakakatuwa ganito pala dito, nakakatanggal stress din.

"Vietnam."

Tumango-tango ako. Dalawang bansa na ang napuntahan ko kung ganon. Ang yaman talaga nitong si Maksimillian.

Lumapit ang isang waiter at kinuha ang order namin, as usual siya na ang pinagpili ko ng kakainin namin.

"Kailan ka aalis?" Tanong ko. "Delikado si Trevor, paano kung mapaano ka? Paano kung hindi mo ako mabalikan agad?"

May gumuhit na maliit na ngiti sa labi, kinagat niya nalang ito para pigilang ngumiti ng sobra.

"Concerned?"

Tumango ako.

"Oo bakit naman hindi. Masama si Nikolay.."

"Don't worry. Mag-iingat ako para sayo."

"Mag-ingat ka para sa sarili mo, Maksimillian."

"I will for you."

Hindi kami matatapos dito kapag kinontra ko ang sinabi niya. Bahala nga siya diyan.

Maya-maya ay dumating ang mga pagkain at nagsimula kaming kumain.

"Ba't ka nakatingin sa akin? Ako ba ang pagkain?" Tanong ko dahil naiilang ako. Pinapanood niya ako at hindi niya ginagalaw ang pagkain.

"Pwede ba?" Tanong niya.

"Ano?"

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya at ganon din ang ginawa ko.

Tapos namula ako ng sobra dahil sa ibinulong. "Pwede bang ikaw nalang kainin ko?"

Sinapak ko tuloy ng tinidor. "Kung ano-ano iniisip mo, Maksimillian!"

Tapos tumawa na naman. Pinagkakatuwaan ako. Napainom tuloy ako ng wine dahil doon. Ang landi! Ano bang pinagsasabi ng lecheng 'to!

Habang kumakain ay nagkwento din siya tungkol sa negosyo niyang cruise line, minana niya raw ito sa Dad niya. Parehas din silang kapitan ng barko dati at anytime ay pwede naman silang magcommand depemde kung gusto nila.

Kaya pala ang disenyo ng kabuoan ng bahay niya sa Mariana Island ay parang barko, nalaman ko lang noong sakay ako ng chopper papaalis. Kaya rin mayroong anchor at steering wheel ng barko sa pool niya dahil nakahiligan niya ito.

Ang yaman talaga. Wala akong masabi. Kumbaga kabaliktaran ng buhay ko ang buhay niya.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad ulit kami sa ibang lugar. Napakaganda at hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Marami ring iba-ibang lahi ang nandito.

"Mawi..."

Tumingin ako sa kanya, sa tangkad niya ay nakatingala ako.

"Bakit?"

"Do you gamble?" Tanong niya.

Natawa ako. Naalala ko tuloy na kapag wala kaming pasok nila Aga at ang kaibigan niya iyon ang pinagkakaabalahan namin sa bahay kasama si Tatay. Naglalaro kami ng puso'y dos, tong-its at kung ano-ano pa. Pero syempre maliit lang ang taya.

"Nagsusugal naman paminsan minsan. Pero kung aayain mo akong magsugal dito, hay nako wala akong pera ni 5 cents."

Wala sigurong mga ordinaryong laro ng baraha dito at higit sa lahat walang tataya ng limang piso lang!

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon