Chapter 36

5.3K 215 13
                                    

"Good morning." Bati sa akin ni Maksimillian at ngumiti. Kakamulat ko palang ng mga mata ay siya agad ang nakita ko.

"Kanina ka pa?" Tanong ko.

Tumango siya. "I watched you sleep."

Ngumiwi ako, ang aga naman niya magpunta rito. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid pero wala sila Nanay.

"Aga natin ha, nakatulog ka ba ng maayos?"

"It's hard to sleep when my mind doesn't stop thinking about you." Ikinakunot ng noo ko ang sinabi niya.

"Hoy! Sabi ko magpahinga ka."

"I did at least 6 hours."

Ang kulit!

"Your family went back to your house to get some clothes, they didn't wake you up. Sabi ko ako na muna magbabantay sayo but they refused. They'll be back here later." Tumango ako kaya pala wala sila rito.

"Anong oras na ba?"

"Nearly 9. Let's eat breakfast, I brought some foods."

Tumango ako. "Luto mo?"

"Yeah." The efforts though, sino kayang hindi mahuhulog sa taong ito? Ang dami niya nang nagawa sa aking pero ako wala pang nagagawa para sa kanya.

Ikinangiti ko naman ang sagot niya.

"Oh mabuti alam mong magluto 'no, lalo na ang pancakes at waffles."

Noong nasa isla kasi kami ay siya ang parang cook naming dahil hindi naman ako maasahan talaga sa pagluluto at napansin ko na hindi nawawala ang pancakes o waffles sa breakfast, iyon ata ang favorite niya.

"Yes, those are Venice Ithalia's favorites and mine as well. Hmm I'll learn to cook your favorite food, tell me what is it?" Ang thoughtful!

"Kahit anong luto basta pasta."

"Ah right, I noticed that."

Tumango ako.

"Leave it to me. I'll bring pasta next time. "

"Salamat." Ngumiti siya sa akin.

"Anything for my Tangi."

Nagpaalam muna akong magpunta ng banyo at pagbalik ko ay nasa table na ang dala niyang pagkain. May gulay, prutas, bacon, eggs, toasts at pancakes. Madami siyang dala actually, dahil siguro nandito din sila Nanay kaya pati sila ay isinama sa breakfast na dala.

Nagsimula kaming kumain.

"Eat well, Mawi." Tumango lang ako.

Pagkatapos ay nagsidatingan din sila Nanay na may dala ring mga pagkain, inaya naming silang kumain at sumabay din kahit nahihiya pa sa una. Nang matapos ang lahat ay nagsidatingan isa-isa ang mga kuya ko. Siguro ay nasabi na nila Tatay yang tungkol sa kalagayan ko. May mga dala-dala din silang mga pagkain, prutas at kung ano-ano pa.

Kinausap din nila ako at sinabing tutulong sila sa gastos. Ngayon ko ulit naramdaman na may pakialam pa rin pala sila kahit papaano. Noong una ay nang maospital sila Aga at Tatay ngayon ay ako naman nandito pa rin sila. Kung mawala man ako sana ganyan pa rin sila kanila Nanay, Tatay at Aga para kahit papaano alam kong hindi sila maghihirap kasi nandiyan naman ang kuya ko para sumuporta sa kanila.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Maksimillian matapos nila siyang kausapin ng mga kuya at Tatay pati na rin si Aga. Medyo namutla nga ito ng kaunti pero ngumiti naman siya nang makabalik sa tabi ko.

Ano naman kaya ang sinabi nila sa kanya? Ito lang din kasi ang unang beses na may nakilala silang manliligaw ko.

"I'm good."

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon