Chapter 6

7K 252 14
                                    

Nagising ako dahil nahihirapan akong makahinga. Ang init-init pa kahit na malamig naman ang buga ng electricfan tuwing gabi. Hanggang sa wala akong makita kundi puro puti. Puting usok. At may mga tao akong naririnig na nagsisigawan sa labas.

Nanlamig ang mga kamay ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ko kung anong nangyayari.

Sunog.

May sunog.

"Shit!" Sigaw ko. Inihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha. Kumabog ng sobra ang dibdib ko nang maalala ko sila Nanay, Tatay at Aga.

Tumakbo ako ng mabilis at pumunta sa kwarto nila. Umabot na ang sunog sa gilid ng sala namin.

"Putangina."

"Nay, Tay! Gising, may sunog!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto ng kwarto nila.

"Aga! Gising! Nasusunog na ang bahay natin!" Patuloy ko pa rin itong kinakalampag, pabalik balik ako sa pinto ng kwarto nila at pinto ng kwarto ni Aga.

Naunang nagbukas ng pinto si Aga.

"Ate?!" Gulat na tanong niya, humikab pa siya sa harapan ko habang nag-stretch pa.

"Aga ano ba?! Nasusunog na ang bahay!" Sigaw ko at doon siya natauhan. Napatingin siya sa paligid.

"Hoy?!" Sigaw niya sa akin.

"Shit. Ayaw gumising nila Nanay!" Kulang nalang ay sirain ko ang pinto nila. Sobra akong kinakabahan. Paano kung na-suffocate na sila sa loob kaya hindi sila magising?!

Ubo na ako ng ubo dahil sa usok na nalanghap. Nagluluha na rin ang mata ko sa usok.

At sa wakas ay nagising na rin sila Tatay at naguguluhan pa sa nangyayari. Pero nung sinabi kong may sunog ay doon na rin sila nag-panic.

Mabuti nalang at nagising ako bago pa matupok ng apoy ang buong bahay namin. Sa ngayon ay ang sala namin ang nasusunog.

Punong-puno ng usok ang paligid. Nahihirapan kaming huminga. Binasa ni Aga ng tubig ang nakuha niyang damit sa kwarto at ibinigay ito sa amin upang ipangtakip sa ilong at bibig.

"Sa likod tayo dumaan." Sabi ni Tatay.

Pare-parehas kaming napatango.

Hindi na rin kasi kami pwedeng dumaan sa sala dahil naglalaglagan na ang mga kahoy. At wala na ring madaanan. Masyadong delikado. Kahit na doon lang ang nag-iisang pinto ng bahay.

Walang pinto ang likod ng bahay namin, semento pa ito. Mahihirapan kami. Pero dahil nandoon banda ang kwarto ko at may bintana ay doon nalang kami dadaan. Makaalis lang kami rito ay ayos na.

Naiyak na si Nanay dahil sa nerbyos. Inalalayan ko nalang siya.

Naririnig na rin ang alingawngaw ng ambulansya at bombero. Marami pa ring tao ang sumisigaw at naghihinagpis sa labas.

Jusko. Alas-dos palang ng madaling araw. Payapang natutulog ang mga tao sa oras na ito. Paano kung marami pa rin ang tulog? At mga hindi makalabas sa kanilang bahay?

At dahil sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Kung hindi ako nagising, tusta na kami kinabukasan.

Binasag nila Tatay at Aga ang jalousy ng bintana dahil mahirap ito tanggalin isa-isa.

"Aga, mauna ka ng lumabas. Alalayan mo si Nanay pagkatapos." Utos ko.

Tumango siya at lumabas. Tapos ay si Nanay ang sumunod. Habang nakalalay kami. Nanginginig ng sobra si Nanay. Highblood pa naman siya.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon