Chapter 26

5.9K 286 138
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ang aga mang-istorbo ni Maksimillian. Hindi tinigilan ang doorbell hanggat hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto.

Kasalukuyan akong nagbibihis sa banyo dahil hindi naman niya gustong lumabas at mahihintay nalang daw siya sa loob.

Papalabas na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa doorknob ng mahigpit at ipinikit ang mga mata.

Dumausdos ako pababa dahil nararamdaman kong umiikot ang paligid ko. Mabilis ang aking paghinga at pilit na nilalabanan ang sakit ng ulo at pagkahilo pero mas lalo atang sumasakit ito.

Pinigilan kong sumigaw sa sakit pero hindi ko napigilang maluha. Gusto ko nalang iuntog ang ulo ko dahil dito.

May kumatok sa pinto at tinakpan ko ang bunganga ko dahil hindi ko gustong marinig niya ang daing at hikbi ko.

"Mawi matagal ka pa ba?"

Hindi ako sumagot.

"Mawi!"

"S-aglit lang..." Naisambit ko habang pilit na gawing normal ang boses ko.

"Ang tagal mo sa banyo. Bilisan mo, madami pa tayong pupuntahan."

Huminga ako ng malalim pero hindi pa rin talaga naiibsan ang sakit ng ulo ko. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang.

"Mawi!" Sigaw niya, this time ay may nahimigan akong pag-aalala.

Hindi na ulit ako nakasagot at kinakalampag niya na ang pinto. Pinunasan ko ang mga luha ko at inabot ko ang lock at binuksan iyon.

Pumasok siya at naabutan akong nakaupo sa sahig, sa gilid ng pinto.

"What the hell happened to you?"

Tumingala ako at ngumiti ng pilit.

"Na-nadulas ako. N-nauntog. Pinagmamadali mo kasi a-ako." Pilit kong sagot. "Tangina mo kasi." Bulong ko.

Tinitigan niya lang ako.

Hinawakan niya ang mukha ko. "Are you okay?"

Sinubukan kong tumayo at inalalayan naman ako.

"Nahihilo ako Maksimillian." Pag-aamin ko.

"I'm sorry..." Mahinang sabi niya.

Inalalayan niya pa rin ako hanggang sa makaupo kami sa kama. Kumikirot pa rin ang ulo ko pero hindi na tulad ng kanina na sobra. Iyon nga lang ay nahihilo talaga ako kaya nakapikit lang ako. Ayoko ring tignan ang mga mata niya.

"Should I call a Doctor?"

Agad akong umiling.

"Hindi na. Papahinga ko lang 'to saglit."

"Mawi are you sure?"

Idinilat ko ang mga mata ko. Tumango ako.

"May bukol ba ako? Tignan mo nga?" Tanong ko habang pinapakita ang noo.

Umiling siya. "Ah. Nothing."

"Buti nalang.." Ngumiti ako ng tipid na ikinakunot ng noo niya. Napapadalas na ata ang pagtitig niya sa akin. Tsk.

"You should be extra careful next time." Umirap ako pero kahit na pinagsasbihan at mukhang galit, bakit masarap pa rin sa pakiramdam?

Naloloka na ako.

Ngumuso ako. "Sino ba kasing minamadali ako? Babae pa rin naman ako, matagal mag-ayos."

"Kahit nagmamadali dapat mag-iingat pa rin!"

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon