Chapter 42

5K 207 64
                                    

"Dito ka lang." Seryosong sabi ko kay Maksimillian habang namimilipit pa rin sa sakit ng kanyang tama.

"Damn, Mawi. Stay."

Umiling ako. Pinunasan ko ang buo kong mukha. Kung wala akong gagawin, walang mangayayari.

"Just stay, Tangi." Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Bumitaw ako at tinalikuran siya. Naglakad palabas sa pinagtataguan naming cargo at sumigaw.

"NIKOLAY LUMABAS KANG HAYOP KA!"

Pinakiramdaman ko ang paligid, hindi ko masyadong pinansin ang pagsakit ng sentido ko. Na kahit nanlalabo na ang paningin ko ay tumayo pa rin ako ng matuwid.

Lumabas si Nikolay sa likod din ng isang cargo habang pangiti-ngiti. Nakatutok ang aming baril sa isa't isa. Mabuti nga at hindi niya ako pinaputukan habang malaya niyang gawin iyon.

"You'll be dead anyway even if I didn't put a bullet in your sick brain. Because if I did, you'll just have a quick death. I wanted it to be slow and painful death for you Marian."

Tumango ako ng ilang beses. He's right. Tama siya, mamamatay lang din naman ako kaya bakit ako matatakot mamatay habang nililigtas ang mahal ko?

Bumaling ako sa pwesto ni Maksimillian. Nakatingin lang siya sa akin, hindi makatayo. Sa dami ng dugo ang nawala sa kanya panigurado akong nanghihina siya. Nang subukan niya tumayo ay umiling ako.

"Do you want to know why I ordered my men to kill you and your family?" Humalakhak siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Humigpit ang hawak ko sa baril. Bumigat din ang paghinga ko, parang bumalik lahat sa akin ang nangyari.

"B-bakit mo ginawa 'yon?" Nangangalaiti kong tanong.

"Dahil wala ka nang pakinabang sa akin, Marian. Can't you see? Ginamit lang kita, upang maitago ang pagkakakilanlan ko sa kugar na ito. At nang malaman kong nagkita kayo niyang si Zam, mas lalo kong gustong patayin ka para hindi ka na makapagsalita pa ng tungkol sa akin."

"Napaka-hayop mo. Bakit kailangan mo pang idamay ang pamilya ko?!"

"Mas magiging tahimik ang buhay ko kapag nawala rin sila."

Napatingin ako sa dalawang taong papalapit sa kinaroroonan nila at parang hinigit na naman ang hininga ko sa nasaksihan. Ang isa ay ang tauhan niya habang hila-hila si Tatay na puro bangas ang mukha.

"Tay!" Sigaw ko. Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya. Gustong-gusto...

Nang ihakbang ko na sana ang mga paa ko ay ang pagtutok ng baril ni Nikolay sa sentido ni Tatay.

"H-huwag!" Sigaw kong muli.

"Palabasin mo si Zam kung ayaw mong tapusin ko ang buhay ng Tatay mo." Napalunok at nanghina ako sa sinabi niya.

Tangina!

"Pakawalan mo si Tatay, Nikolay parang awa!"

Tumawa siyang muli. Na parang nakakatawa ang sitwasyon naming lahat ngayon.

Ikinasa niya ang baril at para akong malalagutan ng hininga. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Maksimillian pero nanghina lalo ang tuhod ko nang makitang wala na siya doon.

"Ilalabas mo o ano?!" Naiinip na sabi niya.

"Bitawan mo ang baril mo, sipain mo papunta sa akin!" Utos niyang muli.

Putangina!

Ria, mag-isip ka. Mag-isip ka! 

Nanginginig ang kamay kong senenyasan siyang saglit lang.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon