Curious
"C?"
My heart is beating my chest so fast. Feeling ko umiikot ang tiyan ko sa kaba.
"Who do you think it is? Chase Elonzo?" He asked. I bet he's smirking.
The fuck.
"Who would think that it's you, Lagdameo? Out of all people!"
Napatakip ako ng bibig ko ng marealize ko na anong oras na sa madaling araw. Maaring magising ko si Lola sa lakas ng boses ko.
Huminga ako ng malalim para ikalma ang aking sarili.
"No. Siguro pagod lang ako. Nagkamali lang ako ng rinig." sabi ko sa sarili na nasabi ko pala ng malakas.
"Nope, C is me, Marnelle Ryleigh." aniya.
"Shut up Colt. You have probably accessed my phone and went to my messages and found C suspicious kaya sinasabi mo iyan."
"I am not. Although I am capable, your privacy is yours. I have never accessed anything. I just can detect things such as places."
Uh so he had detected where I am??? So he knows the whole time?
"I don't care, C-C or Colt or whoever you are. I will end this fucking call so don't ever call me again! Creep suits you better."
Hindi yata ako masyadong nakatulog ng maayos kanina. Kung iisipin wala pang dalawang oras ang naging tulog ko. Bumangon na din ako dahil oras na para magpatuka ng manok.
Napabalikwas ako nang lumipad ang manok sa harapan ko.
Natapon halos kalahati ng laman ng patuka na dala ko. Wala sa sarili ko pinanlimot sa lupa ang mga natapon.
"Nako, apo."
Tiningala ko si Lolo pababa ng hagdan para abutin sa akin ang lagayan ng patuka.
"Anong nangyari? Kumain ka na ba? Ako na ang manlilimot diyan."
"Huwag na po, Lolo. Ako na po. Natapon ko po e."
"Hindi na." Humawak siya sa aking balikat para mahinang itulak ako. "Kumain ka muna dun namumutla ka na. Ako na lang magpapaliwanag sa Lola mo."
Tumango ako sa Lolo Gario tsaka tumungo sa aming kusina. Naabutan ko si Lola na naghahayin na ng pagkain. Sumulyap siya sa akin. Tumuloy lang din ako sa hapag kaininan dahil gutom na din naman ako.
"Maghugas ka muna ng kamay."
"Ha? Opo."
Tumayo ako para maghugas ng kamay.
"Bakit ang aga mo magising? Hindi ka ba napuyat kagabi?" tanong niya.
"Nasanay na din po siguro ako gumising ng maaga. Baka po magutom ang mga alaga natin." ngumisi ako sa kanya.
My grandma rarely smiles. Pero maaliwalas ang kanyang pagtingin sa akin ngayon. Malayong malayo sa kung paano niya ako tingnan nung unang beses namin kumain ng sabay.
"Kamusta naman ang pinuntahan niyo kagabi?" tanong niya.
Tumikhim ako habang mabagal na nginunguya ang aking pagkain. "Okay lang po, La."
"Nagtataka ka siguro kung bakit kita pinayagan sumama." sumulyap siya sa akin.
"Medyo po. Akala ko po ayaw mo na akong bumalik sa Manila."
"Sa totoo lang, Oo. And I didn't let you off because of the Rayomar. Lalo na at boyfriend mo ang isang anak ni Camila."
Nag iwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Swipe the Chase (Euro Boys #3)
RomanceEuro boys 3. Rayomar Posted: September 9, 2020