Handa
Like the usual days we have when they were still going to school, nagbo-bowling kami sa may bayan pagkatapos. The only difference is that Hudson is not here because he's already working in their company in Manila and Dos is also taking his review for the Licensure Examination for Architecture.
Nasaktuhan lang din na walang review ngayon sila Keanu at Uno. Hindi mo ganun mapapansin ang mga pagbabago sa amin pero mararamdaman mo na may kulang. Nasa kalagitnaan na agad kami ng school year. Ilang buwan na lang at magte-take na sila ng board exam.
Indeed, the time flew so fast. Pero ang kaba sa dibdib ko hindi mawala. Kahit na nandito naman si Uno. Pakiramdam ko any moment aalis pa din siya.
We never talked about it. I never tried to ask him. Hinintay ko talaga siyang sabihin niya sa akin. But it never happened. Mukhang nagdecide na din naman siya na ituloy talaga ang pagte-take ng boards.
I lazily grabbed the bowling ball that it was about to fall fast. Hindi ko alam kung paano agad nahawakan ni Uno ang ilalim ng bola. He grabbed it faster.
He looked at me intensely. As in yung sobrang lapit ng mukha niya. Hawak niya ang aking kamay at ang bowling ball.
"Everything is fine? You seem off?"
"N-Nothing. Uhh..." Lumagok ako habang nakatingala sa kanya. "I'm just hungry."
Wala akong maisip na ibang dahilan. I was hooked by him. Kahit isang taon na kami hindi pa din nag iiba kung paano tumibok ang puso ko sa tuwing ganito siya kalapit.
Ngumisi siya. Ang kanyang taling sa gilid ng mata ay umaangat kasabay ng pagngiti ng mata. He grabbed my waist.
"Okay. Tara kumain. Any cravings?"
"Jollibee chicken... and spag" mabilis kong sagot.
"Jollibee it is." He winked.
Mas hinigit niya ang aking baywang papalapit sa kanya. Akala ko ay hahalikan niya ako. Para akong baliw na ngumuso habang nakatingin siya sa aking likudan habang may dumadaang isang babae. Iniwas niya ako dun.
The girl glanced at Uno before me. I raised my brow. Nagkibit balikat naman siya.
"Elonzo." some greeted him habang papunta kami sa locker para kuhain ang mga bag namin.
Nagtatanungan sila tungkol sa mga ilang inaaral nila. They had an exam a while ago. So I believe these are his classmates in the review center.
"Is she the girl?" I heard someone ask.
"Uno, I just wonder... kinukwento mo ba ako sa ibang tao?"
He chuckled. Hawak niya ang aking kamay habang ang isang kamay ay nasa manibela. Pauwi na kami ng Estonia.
"I talked about you most of the time. Nilalayasan na nga ako ni Keanu pag kausap ko siya paminsan kasi utang uta na siya."
Tumawa din ako. Bwiset talaga yung si Keanu. Palibhasa mukhang walang nalolokong babae ngayon. Masyadong focus sa pag aaral.
"No. I mean to someone na hindi mo naman ganun ka close? I saw someone pointing at me."
"Uhh. My classmates?"
I nodded. "Paano mo ba ako ikwento sa kanila at ganun sila makatingin sa akin."
"We had an open forum the other day. Yung hindi tungkol sa review. I don't share much with other people."
"So what did you share about me? Kung gaano ba ako ka-bitch back in Manila?"
Tumagilid ako at iniharap ang aking katawan sa kanya para ipakita ang aking interes sa kanyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Swipe the Chase (Euro Boys #3)
RomanceEuro boys 3. Rayomar Posted: September 9, 2020