Kabanata 13

66 5 10
                                    

Mature

First time celebrating Christmas in a province. Malamig ang simoy ng hangin. Christmas lights are brighter than the usual I saw in Manila. Also, it feels merrier here. Childrens in the street are singing Christmas songs.

Tsaka halos lahat ng bahay may handa. Sumimba kami kaninang umaga sa chapel.

Usually before natutulog lang ako maghapon. Tapos gigising ako pag hapon na para mag ayos. Mamimili ako sa mall ng regalo ko para kay Kuya tsaka sa sarili ko kasi pupuntahan niya ako sa condo pag gabi na. Nung andito pa si Ate Bri sa Manila lumalabas kaming tatlo. But since kami na lang ni Kuya, last year dinalaw niya lang ako sa bahay tas umalis na din. Ganun din nung new year. He has business appointments even in holidays.

Ilang beses ko lang din nakikita si Keanu. Ngayon lang sila ulit umuwi. I missed the boys so much. Parang sobrang busy nila sa buhay nila. Although they check on us most of the time, iba pa din yung nakakasama mo sila physically.

"Happy new year!"

We hugged each and everyone. Pagkatapos kasi namin magcelebrate sa bahay sinundo kami ni Hudson dito sa bahay para pumunta kami sa mga Rayomar.

"Mag iingat kayo ha. Madalim sa daan. Baka may mga nagpapaputok pa sa tabi tabi." si Tita Rosel.

Pansin ko naman ang paninitig ni Lola sa akin. I smiled at her and mouthed "Happy New Year."

She smiled back and nodded at me. I can't remember the last time na ngumiti siya sa akin but it feels so good. I could feel this will be a good year.

"Happy new year, baby." bati ni Kuya Jayden sa akin sa telepono.

"Happy new year, Kuya. Kailan mo ba ako babalikan dito?"

He chuckled.

"Do you miss me already? Or... you miss Mani-"

"I miss you!" I cut him off.

Hahaba pa usapan e.

"Uuwi ako sa summer break mo."

"I think I'll be having summer class." I said sadly.

"Okay lang hindi ka naman siguro araw araw pumapasok." Tumawa siya. "Nga pala, nakatawag ka na kila Papa?"

"Hindi pa e. Baka nasa trabaho pa sila." sagot ko.

"Wala. Tumawag sila sa akin kanina magkakasama sila kasama yung anak ni... ow fuck." pinutol niya ang sasabihin.

"Kaninong anak?"

"Wait lang, Leigh. Nastuck ako sa traffic may mga sumisingit baka masabitan ako."

I nodded as if he could see me. He ended the call. There are not car noises naman? Tsaka saan siya papunta ng ganitong oras. Maybe to her girlfriend. At sana ito pa din 'yung girlfriend niya nung huli!

This is also maybe the longest time na wala akong naging boyfriend o naka fling man lang. I don't know if I'm not interested or I am already interested with someone.

Akala ko nga hindi ko masusurvive ang isang taon ko dito. Well wala pa namang isang taon at sigurado akong madami pang mangyayari pero masaya ako sa changes and improvements ko sa sarili ko. Kahit ako lang ang nakakapansin.

I excitedly jumped out of the car. Nakangiti habang pinapanuod ako ni Dos. Naglakad ako papunta sa kanya ng nakatago ang aking mga kamay sa likod.

"Happy new year, Leigh." He patted my head.

"Happy new year, Aldous."

I smiled from ear to ear. Hindi ko alam kung bakit sobrang masaya ako. Pero isa ang sigurado ako... makikita ko na si Uno.

Swipe the Chase (Euro Boys #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon