Words
"Text me if we are going to pick you up." sabi ni Hud kay Eloisa.
"Saan kayo maghintay, Kuya?"
"Sa Main 2. May klase pa ako. Sila meron pa din naman. Pupunta kami dito after class."
"Subukan namin makapasok mamaya pag pwede."
"May tickets ba dun?" Dos asked.
"Mayroon kaming mga nakalagay sa kamay e. Pero kung hindi kayo makakapasok, okay lang. Magbyahe na lang kami."
"Anong biyahe? Gabi na kayo matatapos. Hihintayin namin kayo. Basta wag ka na mag isip." naiinip na sabi ni Keanu.
Akala mo talaga ay kanyang sasakyan ang sasakyan namin. They were all busy chattering. Ako naman ay abala sa pagpapasikip ng pagbubuhol ng aking orange bandana crop top. Nakatago ako sa likod ni Hansen at sinisiguradong hindi ito mahuhulog sa akin.
My character is Moana. I was supposed to be Juliet in costume but Alena liked it more because she wants wings like Eloisa so I gave it to her.
Moana suits my character naman since I have natural curls. The skirt is a bit above the knee. Medyo matangkad kasi ako at maliit ang costume. Naka flat sandals naman ako sa pang ibaba. Complete accessories din, lalo na siyempre ang kwintas. May panlagay din sa ulo pero hindi ko pa sinusuot.
"Kuya, kakilala mo diba yung ilang seniors na taga bantay sa acquaintance nila. Baka pwede tayo pumunta mamaya?" tanong ni Dos kay Uno.
Mukhang gusto nila talaga na makapasok mamaya.
Kami kasi ni Alena, Eloise, Gavin and Hansen. Same building kami. Part kami ng CABEIHM Department lahat kaya magkakasama kami ngayon. Itong mga taga Main 2 na 'to sa ibang araw ang kanila. Pati na din ang ibang mga Departments.
"Oo nga, Uno. Hindi ba taga Business 'yung nililigawan mo? Or Customs Ad? O Tourism?" tanong ni Hud. "Masyado ka naman malihim."
Uno released a chuckle.
"Let's try later. I'll ask some colleagues to accompany us inside."
"Yes!"
Rinig ko ang pag aapir nila. Mabuti saktong naayos ko na ang tube ko ay tapos na sila mag usap. Nandito na kami sa labas ng Coliseum.
Maraming movie characters. Halos lahat nag effort. Maa-amaze ka sa iba dahil talagang ginastusan! Si Hansen, naka-Harry Potter. Si Gavin naman di ko alam kung anong character niya. Basta sabi niya siya daw yung mga prinsipe sa Disney movies. Boset.
"Nasan si Leigh?"
"Andito ako."
Lumabas ako sa likod ni Hansen.
"Tapos ka na?" He asked.
"Yep."
"Tara na sa loob." umakbay siya sa akin.
"Oh, baka naman todo bantay ka mamaya sa kanila ni Alena. Let them enjoy." sabi ni Gavin na umakbay din kay Eloisa.
Akala mo hindi minamata nito ang kapatid niya pag may lumalapit. Magkakaiba kasi kami ng pwesto depende sa course. Si Eloise ang kasama ko pero hindi naman kami magkaklase.
Nag fist bump ang mga lalaki. Kami naman ay nagselfie selfie muna ng girls.
"Papicture pala muna tayo." aya ni Eloise.
Napakamot sa ulo si Keanu. Kanina pa kasi nagkakaayaan pumasok pero hindi kami natutuloy. Madami pa din naman nakapila sa labas. Ang ilan ay nalingon lingon sa direksyon namin.
BINABASA MO ANG
Swipe the Chase (Euro Boys #3)
RomanceEuro boys 3. Rayomar Posted: September 9, 2020