Kabanata 18

60 4 1
                                    

Guilty

When we got home nobody talked about it. Pag nalaman ni Lola o ni Tita Rosel man lang baka hindi na ulit kami makalusong sa lawa.

Although it is very obvious that something is off about us dahil hindi kami nag uusap usap. Tahimik kaming dumating. Wala din umaalis sa mga Rayomar. Hindi yata mga balak umuwi.

Kinakain ako ng hiya sa nangyari. Pinoproblema tuloy nila ako ngayon. Madalas naman kami bumaba sa lawa pero hindi ako nagpapaturo lumangoy.

"Kumain na ba kayo? Nasaan ang mga basa niyong damit? Isampay na natin." si Tita Rosel.

Umiling si Hud.

"Sa bahay na lang po ang amin."

Si Keanu naman ay tumayo para dalahin ang mga basa nilang damit sa sampayan.

Si Tita Rosel ay bumalik papasok ng bahay para kumuha ng meryenda.

Si Alena at Gin ay pumasok muna sa kanila din. Nag uunahan pa sa banyo para maligo.

Ang mga lalaki naman ay naligo na sa poso sa dagat. Ako naman ay balot na balot pa din ng towel. Nang umunti na kami dito sa ilalim ng tsikuhan ay nagbuntong hininga si Hansen.

"Sorry." He said directly to me.

"It's okay, Hans. Let's get over it."

"It's not it. I completely forgot that you can't swim. Bukod dun hindi ko man lang napansin na malayo ka na at nalulunod."

Hinilamos niya ang kanyang mukha. He looks really frustrated. I'm so guilty.

I reached for his hand.

"I am okay now. Forget about it. Turuan mo na lang ako lumangoy sa susunod ha."

"Okay baby."

He sighed as a relief. But tension filled the air nang ibagsak ni Uno ng malakas ang kanyang kamay sa mesa. Tumingin kami sa kanya.

"Call her that again. I dare you." banta niya.

"Bro, chill. She's my cousin. Damn you! Kanina ka pa."

"Kanina ka pa din."

Gavin chuckled. Napapailing na lang si Dos. Mga halatang hindi pipigil pag nag away sila.

"Apo, maligo ka na. Tatawag daw mamaya ang Papa mo." si Lola na kalalabas lang ng terrace.

"Opo." tugon ko.

Binabaan ko ng tingin si Hansen.

"Magpahinga ka na dun. Kayo din." Tumingin ako sa mga Rayomar. "Uno, mag usap na lang tayo mamaya."

Humawak ako sa kamay niyang nakapatong sa kanyang hita. Hindi naman nila kita dahil nasa ilalim ng lamesa.

He locked his fingers into mine. Parang ayaw pa akong paalisin. Kung hindi ko naman siya papaalisin baka mag kainitan na naman sila ni Hansen dito.

I chuckled lightly and let go of his hand. Bahagyang umawang ang bibig niya.

"Sige na. Chance ko na 'to para makausap sila Papa."

He nodded.

"Hintayin ka lang namin makapasok."

Mabilis lamang akong naligo kahit lamig na lamig ako. Pakiramdam ko ay magkakasipon ako. I somehow forgot what happened a while ago.

Kakausapin na ako nila Papa? Hindi na ba sila busy ngayon? Sana hindi saglit lang.

Nang papasok ako ng kwarto habol ng tingin sa akin si Lola. Saglit akong tumigil para tanungin siya.

Swipe the Chase (Euro Boys #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon