Kabanata 4

105 5 7
                                    

Letter

Naglalakad kami sa hallway papalabas ng school nang isang kaklase ang sumalubong sa amin. We stopped. Kami ni Eloisa, Alena, Hansen at Gavin. Sumulyap ako sa ilang kaklase kong nakabantay sa harap ng library.

"Uhm. Hi?"

Sumulyap din siya kila Gavin at Hansen na nasa likudan ko. Gavin said Hi with his playful smile. Si Eloise ay tumingin sa kanyang relo.

"Hello, Ryleigh. Ryleigh, right?"

"Yes. Hello. Do you need anything?" I asked.

"A-Are you friends with E-Elonzo Rayomar?" sumulyap siya ulit sa mga kasama ko.

"Why?" naiinip na tanong ni Eloise.

"Uhm. Hi. N-Nakita ko kasi sila na magkamasa. Tsaka sinundo din siya nila ni Uno at Dos last time." paliwanag niya.

Bumalik ang tingin niya sa akin.

"Do you think he has a g-girlfriend now?"

I raised a brow. What is her name again?

"Uh. Here are his cousins. You can ask them." sabi ko.

Out of the all the people bakit sa akin pa itatanong. Do I look friendly and easy to approach?

"Yes. He has a girlfriend now. Is it still a big deal?" sagot ni Eloise.

Her friends in front of the library gasped.

"Ha?" kahit si Alena ay napatanong.

"Luh? Kailan pa ulit nagka girlfriend si Uno?" tanong ni Hansen kay Eloise.

Ngumisi si Eloise sa akin. Napaisip din tuloy ako kung may girlfiriend na nga ba talaga si Uno.

"Ohh." Yumuko ang babae. "May girlfriend na pala talaga siya ngayon. P-Pero pwede bang makisuyo na ibigay ito? Sayang naman kung itatapon ko."

May inabot siya sa aking bote. May nakabilot na papel sa loob noon at naka ribbon.

"Kunin mo na lang para makaalis na tayo." bulong ni Alena.

Dumiretso kami sa bayan pagkatapos ng klase. Sabado na naman kasi bukas. Kaya nagka yayaan sila na mag bowling kami ngayon.

"Why is Uno's relationship such a big deal by the way?" hindi ko na mapigilang itanong.

"He's not Uno for nothing. Of course he's popular, mapalalaki o babae. Sumali din siya noon sa BatStateU band kaya mas lalong dumami ang nagkagusto sa kanya. Puro uno grade niya noon nalamatan lang pagdating third year." si Hansen.

"Halos lahat ng lumalapit sa amin noon para magtanong kung may girlfriend na siya sinasagot namin na oo." Eloise laughed. "Kaso nagalit nun si Uno dahil nabasted siya."

"Nabasted?"

"Oo. Nabasted siya nung nililigawan niyang Tourism student dati. Akala kasi niya may girlfriend na nga si Uno tapos nililigawan pa siya." sagot ni Alena.

"Eh kasi yung mga tao din naman. Makita lang na may kasama si Uno na babae akala girlfriend na agad. Kaya wag ka magulat sa mga ganun. Gusto lang nila malaman kung may gf na ulit si Uno dahil nakita nila kayong magkasama."

Tumango tango ako. Hindi ko na sinubukan magtanong ulit dahil baka isipin nilang masyado naman akong interesado kay Uno.

Itinago ko sa aking bag yung binigay ng babae kanina.

Dumating kaming naglalaro na sila Hudson. Nagtutulakan pa sila ni Dos.

"Sige. Pag napatakan 'yang paa niyo babagsakan ko din ng bola iyang kabila."

Swipe the Chase (Euro Boys #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon