Kabanata 1

180 5 6
                                    

Careless

"Leigh, gumising ka na. Tirik na ang araw. Hindi ba tumagataktak ang pawis mo diyan?" bulyaw sa akin ni Lola Leticia.

Tinapik pa niya ang aking binti para tuluyan akong magising.

Kunot noo kong hinahanap ang telepono ko. I have alarms every morning. Pero laging nauuna doon si Lola.

Tumingin ako sa oras. 8:15 pa lamang ng umaga. 8:30 ang alarm ko. Palugid ko sa aking sarili dahil pakiramdam ko ay hindi pa din sapat ang tulog ko kung gigising ako ng alas otso.

"Diligan mo ang mga halaman at patukain mo ang mga manok. Uma-umaga ko na lamang ba sasabihin ang gagawin mo?" bulyaw pa niya sa akin.

Umupo ako sa kama at ipinusod ang aking buhok. Naabutan ko siyang binubuksan ang bintana ng aking kwarto. Dito na ako natulog para may privacy naman ako. Pag doon kasi sa malaki naming guest room. Inuumaga kami bago matulog. Mas lalo akong tanghali nagigising. Mas lalo akong natatabunan ng utos.

Ang mga pinsan ko ay pumapasok lahat sa school. Kaya ako lang ang naiiwan dito pag weekdays. Si Kuya naman ay namamasyal kasama si Clarisse. Inililibot niya sa barangay na akala mo'y asawa na niya.

That means I have to do all the household chores. Also, I could hear everyday nags of my grandmother.

Kahit nasa probinsya ay masasabi kong malaki ang bahay ng Lola dito. Marahil dahil tatlo ang anak niya. Si Papa, si Tita Rosel at si Tito Cesar na nasa US naninirahan kasama ang buong pamilya niya.

Marami din naman kaming naging apo. Kaya tamang tama ang laki ng bahay.

Pero dahil may bahay si Tita Rosel na kanya, although sa tabi lang, sila lamang ni Lolo Gario ang nakatira dito kung wala kami ni Kuya.

"Kumain na po ba kayo? Si Lolo po?" tanong ko pagkapasok matapos magpakain ng manok.

Nauuna palagi kumain ang mga manok sa akin.

"Bumaba na ang Lolo mo para pumalaot sa lawa. Hinintay kita. Sabay na tayong kumain."

Tumango ako at naupo habang pinupunasan ang aking pawis. Siya ay nasa dulo ng lamesa kaya doon ako naupo sa kanyang gilid. Nag aalinlangan pa nga ako na maging sobrang malapit sa kanya.

Awkward silence filled the kitchen. Tanging kalampagan lamang ng aming kubyertos ang maririnig.

"Iha, I know you've been avoiding this topic ever since you arrived here but let me take this moment to ask you." She said calmly.

I swallowed the lump in my throat.

It's true. Sinasadya ko din na gumising ng tanghali para hindi kami magkasabay kumain. Sa tanghali naman ay nauuna siya kumain dahil natutulog siya pagkapahinga. Sa hapunan naman ay nandito na ang mga pinsan ko.

Nanatili akong nakayuko habang nakatitig sa aking plato.

"Ano bang problema mo at para ka namang babaeng pariwara sa Maynila?" matalim niyang tanong, malayo sa kanyang tono kanina.

I gritted my teeth. Unwilling to answer her question harshly.

Tumikhim siya. Saka ko lamang siya inangatan ng tingin.

"Bakit ngayon ay parang natatameme ka? Bakit hindi ka sumagot sa akin katulad ng pakikipag usap mo sa Mama mo."

"Hindi ko po alam kung sino ang nagsabi sa inyo niyan. Pero lilinawin ko lang na hindi kami nagkasagutan ni Mama."

"Okay. Kung hindi ay bakit siya umiiyak nung tumawag dito at nakikiusap na dito ka papatirahin."

I bit my lower lip. I never answered my parents back. Kahit andaming umiikot na salita sa isip ko kailanman ay hindi ko iyon ibinuga sa kanila.

Swipe the Chase (Euro Boys #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon