Boyfriend
Pasado ala sais y media na ng dumating kami sa Makati. I expected the venue would not be a bar or even near the area. Sa isang hotel kami pumunta.
Sa pag kakarinig ko kanina kay Uno nasa roofdeck sila. Habang papasok kami ay may ilan ilan na bumabati sa kanya sa kanyang apelyido.
"Dito ba kayo nagistay nila Keanu?"
"Hindi. Pero malapit lang din dito." He answered.
"Hmm. So, are you here most of the time?"
Hinawakan niya ang pinto ng elevator hanggang makapasok ako ng tuluyan. Pansin ko ang pagtaas niya ng kilay.
"I mean, yeah, this is a hotel. Pero hindi naman ganun ang ibig kong sabihin."
"Dito kami nag-gym. There's also a pool and other amenities here. Mas malaki yung unit sa tinitirahan namin. Kanya kanya din kami ng kwarto nila Keanu at Hud, mas mura kaysa dito."
Tumango tango na lamang ako. Baka isipin niya ay masyado akong matanong. Nagtaka lang ako kasi kahit ang ibang mga tao dito sa hotel ay kilala siya.
Pagdating namin sa pinaka roofdeck iginala ko ang aking mata para hanapin si Kuya. Medyo madaming tao kaya napupunta sa tanawin ang atensyon ko habang naglalakad kami sa gilid.
The place has a nice atmosphere and chill vibes. It feels so good to be back. Nothing has changed actually. Masyado lang siguro akong galak.
Hud raised his right hand. Dahilan para makuha niya ang atensyon namin.
Tumayo agad is Kuya nang makita ako. Itinaas niya ang magkabilang kamay, asking for a hug. Tumakbo ako para yumakap agad sa kanya.
"I missed you."
"I missed you, too." Humalik siya sa aking noo. "So how's life, probinsyana?"
"Ay wow." Tumawa ako. "Okay lang." I said confidently.
Okay lang naman talaga. It doesn't look like a punishment dahil naalagaan naman akong mabuti.
"Good. Take your seat."
Naupo ako. Pabilog ang mga lamesa dito. Ang kulay ng ilaw ay parang asul na may touch of purple. Sa di kalayuan dito nandun ang pool area. May divisions naman, visible lang kasi glass type window ang pagitan.
Nasa may gilid kami na parte kaya tanaw na tanaw mo ang kalawakan ng Maynila. I closed my eyes firmly and inhaled the air I used to breathe before. I'm no longer used to it.
Mas maganda siguro kung naabutan namin dito ang papalubog na araw. But oh, I missed the city lights, tall buildings, busy hours, the late night feeling. It's all coming back. Something wild is awakened inside of me again.
"Missed it?" bulong ni Uno sa tabi ko.
Tumango ako habang nakatingin pa din sa kagandahan ng siyudad. I bit my lower lip. It looks so fine and peaceful up here.
I ordered spaghetti bolognese. The boys ordered heavy meals like Beef Salpicao, Aglio Olio, chicken and salad. They also ordered beers and cocktails for them only. I
"Ang dami ng pagkain. Siguro kung nandito si Gavin mauubos niya 'to." Si Keanu.
"Sinabi mo pa. Feeling ko kakatayin tayo ngayon ah." sagot ni Hud.
"Ano ka ba baboy? Gago."
May appetizers pang inorder si Kuya.
"Kuya Jayden, hindi ba masyadong madami ito sa atin?"
BINABASA MO ANG
Swipe the Chase (Euro Boys #3)
RomantizmEuro boys 3. Rayomar Posted: September 9, 2020