Kabanata 3

105 4 3
                                    

Foul

I yawned as I went out of the classroom. Summer classes are boring. Bukod sa sobrang mainit wala naman akong ibang pinupuntahan kundi bahay at school lang literal.

I have no chance of going to the mall. Bukod sa di ko alam ang byahe, traffic din. Gusto ko pa namang mamili ng damit. Ayoko pa namang paulit ulit ang suot ko sa damit ko.

Dumaan ako sa pinto ng room ni Eloisa para silipin siya. Nakabantay din siya ng tingin sa akin na parang alam niyang sisilip ako. Sa isang subject lamang kami magkaklase. Although same course kaming dalawa.

BS in Hotel and Restaurant Management.

Paglagpas ko ng classroom nila ay nagtext siya sa akin.

Eloise:

Una ka na pauwi. Sa isang araw na lang tayo mag mall.

Me:

Sino kasabay mo pauwi?

Eloise:

Baka si Keanu. Magpapaiwan daw siya dito sa Main e.

Eloise:

Isama mo si Uno mag mall. Sasama naman yun! Haha. Bawi ako.

Umirap ako sa ere. Akala ko pa naman kami ang magkakasabay umuwi. Kanina kasing umaga hindi ako sumabay kila Keanu papasok. Bukod sa mas maaga ang klase nila, ayaw kong maka interact ang Elonzo na iyon.

Tapos sasabihin niya sa akin na kay Uno ako magpasama mag mall! Uuwi na lang ako mag isa.

Sa Main gate ako dumaan papalabas dahil bumili ako ng Frappe sa Taza Mia.

And oh, this is the real struggle. Sa gate kasi ita-tap mo ang ID mo para maka entrance and exit ka. Kaso natatakot ako maipit sa gitna pag di ka nakalabas agad. Kaya ayokong lumabas pag madaming kasabay o kasunod. Nakakahiya kung maiipit ako.

I saw Elonzo's beautiful face as I walked down the stairs. Beautiful in a manly way. His long nose fitted in his face perfectly. His symmetrical jaw clenching and protruded veins in his arms rubbing the back of his neck.

Nakasandal siya sa baba ng malaking logo ng Batangas State University habang nakatingin sa kanyang cellphone. Sa tangkad niya nga ay halos nakasandal na ang ulo niya sa mismong logo.

Ang isang babae pa sa harap ko ay natisod dahil panay ang lingon sa kanya. Napatingin tuloy siya sa aking direksyon.

Umayos siya ng kanyang tindig. Bumaba ako ng hagdan na tila ba hindi ko siya nakita. Pupunta ako sa harap para mag abang ng jeep.

"Leigh, sabay na tayo pauwi." his voice was raspy.

Hindi ako lumingon pero tumigil ako. Ang ilan din ay napatingin din sa akin.

Hinintay ba niya ako dito?

Agad hinanap ng mata ko kung may dala ba siyang sasakyan.

"May pupuntahan pa ako e. Una ka na. Baka may gagawin ka pa."

"Saulo mo na ba ang mga byahe dito?"

Tumabi siya sa akin. Nakababa ang tingin pero hindi ko siya tinitingnan pabalik.

"Oo. Tinuro sa akin ni Eloisa."

"Nagtext siya sa akin. Samahan daw kita."

Wow, Eloisa! Galing.

"Wala ka bang ibang lakad? Si Keanu? Si Dos saan sasakay?"

"Pinauwi ko kay Hudson ang sasakyan ko. Si Dos... may dala na kanyang sasakyan. Isama natin siya kung gusto mo."

Swipe the Chase (Euro Boys #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon