Ipahinga
"Mabuti naman at nakadalaw kayo ulit! Alam kong busy na kayo sa school pero nagpapasalamat kami dahil hindi niyo kaming nakakalimutan." salubong sa amin nung isang taga pangalaga sa mga matatanda dito.
Sa labas kami naupo. Hindi kami tumuloy sa loob dahil nasa labas din lahat ng matatanda. Nasaktuhan namin na may program yata sila. Pinasadahan ko ng tingin ang matatanda. Tahimik lamang sila ngunit ang ngiti ay mamumutawi mo sa kanilang mga mata.
Ang ilan sa amin ay inaayos ang mga dala naming pagkain. Saktong sakto para sa pananghalian.
"Hi. Parang ngayon lang kita nakita."
Isang lalaking halos nasa edad ko din ang bumati sa akin. May dala siyang balde ng tubig. Binabaan ko siya ng tingin. Madumi ang kanyang damit. Pati ang tsinelas na suot.
Pansin ko ang pag atras niya.
"Ahh. Sorry. Mabaho ba ako? Kakatapos ko lang kasi magdilig ng halaman ay tumalsik sa akin ang putik kanina." paliwanag niya.
I don't understand why he is explaining. Hindi ko siya sinuri dahil hinuhusgahan ko siya. Gusto ko lang din malaman kung bakit madumi ang kanyang damit.
"It's fine. Yeah. Ngayon lang nila ako nakasama. Galing akong Maynila." Inilahad ko ang aking kamay. "Leigh."
"Victor."
Nahihiya niyang tinanggap ang aking kamay. Sa saglit naming pag uusap ay nalaman kong taga kumbento daw siya. Sa Sta. Teresa College daw siya pumapasok. Dahil malapit lamang ay madalas daw siyang pumunta dito para magtabas pag mataas na ang damo at tumulong sa mga matatanda.
Sa buong oras namin ay siya ang nagkukwento sa akin ng estado ng mga matatanda dito. Ang iba dito ay may sakit na. Hindi na masyado nakakaalala. Kung paminsan ay sinusumpong. Pero hindi ko iyon nararamdaman ngayon. Dama ko ang galak sa kanilang mga ngiti.
Lumapit ako sa isang matandang kanina pa ngiting ngiti sa akin. I smiled at her. Humawak agad siya sa aking kamay. Ang isang kamay ay may hawak na salamin pang mukha.
Kahit matanda na ay ang cute niya pa din. Matatamis ang mga ngiti.
"Oh, apo. Anong nangyari sa kamay mo?" nag aalala niyang tanong.
"Wala po iyan, La."
"Victor, ito na ba ang girlfriend mo? Baka naman pinagtabas mo siya ng damo? Mukhang madaming sugat ang kamay niya."
Victor wagged his hands.
"Hindi po, La Myrna. Bakit ko naman po yon ipapagawa sa kanya. Sa ganda ng suot niya."
"Hoy, Loleng, si Victor natin may girlfriend na." tuwang tuwa niyang sabi.
"Hala, hindi po."
Ako ay natawa lamang. Pero hindi nagtagal iyon. Tumingin sa direksyon namin si Lola Loleng at tinuro kami ni Victor.
"Sino ba sila? Hindi ko naman kilala ang mga iyan." medyo mataray niyang sabi.
Nalungkot ang ekspresyon ni Victor. Ngumiti ako sa kanya. Ganun din siya sa akin.
"Ano ka ba Loleng. Laging nandito si Victor tapos hindi mo pa din natatandaan. Kumain ka kasi ng gulay para tumalas 'yang isip mo."
Tinulungan namin sa pagtayo si Lola Myrna. Sinamahan siya ni Victor na kumuha ng pagkain. Akala ko ay para sa kanya ang kinuha niya. Pero nagulat ako na dalawang plato ang dala niya. Marahan niyang binaba ang plato sa kandungan ni Lola Loleng.
"Oh ayan. Kumain ka ng madami para lumakas ka. Sabihin mo sa akin kung gusto mo pa at ikukuha kita. Victor, kumain ka na din. Ikaw din, hija."
Tumango ako at tinungo ang aking mga pinsan na sumasayaw sa gitna. Inaaliw ang ilang matatanda sa pwesto nila. Tumayo ako sa gilid habang pinagmamasdan ang lahat.
BINABASA MO ANG
Swipe the Chase (Euro Boys #3)
RomansaEuro boys 3. Rayomar Posted: September 9, 2020