Kabanata 12

66 6 5
                                    

Miss

Sinundo si Venus ng sasakyan nila dito pagpatak ng alas singko. Hanggang ganun na oras lamang daw ang ipinagpaalam niya.

How old is she again? 20? Yet nagpapaalam pa din siya at natatakot sumuway sa parents niya. While I don't even tell my parents where the hell I am.

Oh... I am comparing again. Bakit ko ba pinaparamdam sa sarili ko na everyone else is better than me.

Pinilig ko ang ulo ko para mawala iyon sa memorya.

"Uno, umuwi na din kaya ako?" I asked, looking at the wide road of Estonia.

Malapit lang kasi itong sa kanila sa boundary. May malawak na tubuhan sa harap nito. The wind blew and the leaves danced with it.

"Why? Masama ba pakiramdam mo?" napapaos niyang tanong.

Yumuko pa siya para mas marinig ang isasagot ko.

"H-Hindi naman. May gagawin lang ako sa bahay."

"Ganun ba." He twitched his lips sexily. "Paalam muna tayo kay Mama. Nagluto kasi siya e."

Kami lang kasi ang naghatid kay Venus dito sa labas ng matayog na gate nila. Hindi sumama ang magpipinsan. Nagluluto pala ang kanyang Mama kaya hindi na din sumama dito.

Hinilot ko ang batok ko. Nakakahiya naman kung umalis ako agad. Nagluluto pala ang Mama niya.

"Pero maiintindihan naman ni Mama kung kailangan mo na umuwi."

"Hayaan mo na. Medyo maaga pa naman. I'll stay for an hour or more."

Hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko lang tumawag kila Mama at Papa. Tutal tapos na din naman ako this Semester. Baka time na ulit para makapag usap naman kami. Lalo na kung maganda ang kalalabasan ng grades ko.

Hinigit ko siya sa kanyang braso para igiya papasok.

Napatigil ako nang matigilan din siya. Nakaawang ang mga labi habang nakatingin sa akin. I narrowed my eyes before raising a brow.

He clenched his jaw before starting moving with me.

Sa mahaba nilang hapag kainan kami naghihintay ng mga pinsan niya. Pansin ko lang din na madalas nga talaga dito ang tatlo. Marahil palagi din wala ang mga magulang nila. But they all look okay. Well... hindi ko naman masasabi.

We all have silent battles inside. Hindi ko alam ang pinagdadaanan ng bawat isa.

Si Eloisa ang nag iisang babae sa kanilang magpipinsan. But I don't think she's uncomfortable with them. Takot sa kanya ang mga kapatid at pinsan niya. Well kahit mga pinsan ko din naman.

Kahit puro lalaki ang kasama niya siya yung tipo na kayang ipagtanggol ang sarili niya. Siguro dahil lumaki din siya na puro lalaki ang kasama niya.

"So Elonzo, sinabi mo ba sa bruha na yun na pinsan mo si Leigh para hindi siya magselos?"

Tinaas ni Uno ang kilay niya kay Eloisa. Bago ako binabaan ng tingin.

"Why don't you ask Leigh?"

"Bakit siya?"

"Nagseselos ba, Leigh, yung buntot mong boyfriend kaya sinabi mong pinsan mo ako?" dinala ni Uno ang tanong sa akin.

Tumikhim ako. Pakiramdam ko ay nag iinit ang tainga ko. I could feel all eyes are on me. Kahit si Mr. Arman na nasa dulo ng lamesa.

"Hindi ko sinabing pinsan kita." I said calmly.

"Boyfriend mo na ba Leigh yung sinasadalan mong parang pader sa payat sa Canteen kanina?"

Swipe the Chase (Euro Boys #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon