Chapter 33

2.5K 43 1
                                    


Ericka point of view :

Papasok na ako ngayon sa trabaho at natatakot ako sa mangyayari ngayong araw.

Hindi ko alam. Masama ang kutob ko o sigurong masama lang talaga ang pakiramdam ko.

Kaninang umaga ay nag susuka na naman ako.

Muntik na akong pagalitan ni michelle sa dahilan na ayaw niya akong pumasok.

Hindi naman sa ayaw nitong mag trabaho siya ngunit baka mahalata na malaki na ang tiyan na at nagkakalaman na siya.

Papasok na siya ngayon sa lounge at nag time in na.

Medyo maaga pa.

6:30 palang nang umaga. Hindi niya alam na mas naging early bird siya sa pag bubuntis niya.

Papasok na siya sa elevator at pinindot ang 30th floor.

Medyo matagal pa siyang mag stay sa elevator kasi masyadong mataas ang floor nang opisina niya.

Nung nakaraang araw ay tumawag sa kanya si zach tungkol sa trabaho. Sabi naman niya ay kinabukasan ay papasok na siya.

Nung tumawag si zach sa kanya ay na miss niya ang boses nito.

Nagulat naman siya nang bumukas ang elevator sa 25th floor kung saan andoon ang canteen.

Nakita niya na medyo marami nang tao. Dahilan maaga pa ang iba sa kanya .

Pag dating niya sa 30th floor ay pumasok na siya sa kanyang opisina.

Napatingin naman siya sa pinto kung saan ang opisina ni zach.

Umupo nalang siya at nag simula nang mag trabaho.

10:30 palang nang umaga ay nagugutom na siya.

Ganun pala talaga pag buntis. Hindi niya pa alam ang gender nang anak niya.

Na eexcite naman siya nang naisip niya na babae iyon.

Gusto niya na maging babae ang anak niya dahil gusto niya itong gawing prinsesa.

Naudlot naman ang pagiisip niya nang tumunog ang intercom .

Kinakabahan siya dahil possible na magkita sila ni zach ngayong araw.

Hindi niya ito gustong makita lalong lalo na iniiwasan niya ito.

Sinagot niya ang tawag sa intercom.

Hello? Sabi niya rito sa kabilang linya.

Ms. Magdayao pwede ka bang pumunta sa business department. Sabi sa kanya nang architecture department.

Opoo. Ano po ba ang gagawin ko doon? Tanong naman niya sa kabilang linya.

Kukunin mo samin ang lay out tapos eh bibigay mo lang doon sa department nila.

Umoo naman siya at binaba ang tawag.

Nagugutom na siya ngunit may trabaho pa siya.

Siguro tama ang kaibigan niya na si michelle.

Siguro ay dapat wag muna sa mag trabaho. Ngunit napaisip naman siya.

Ano ang pangtustos niya sa sarili at nang mga magulang niya?

kahit mayroong kita naman ang magulang niya doon sa probinsya ay hindi naman niya gusto na mag hirap iyon doon.

Iyon ang pangarap niya. Gusto niya na umahon sila sa kahirapan.

Kung titigil siya sa pag tatrabaho pano niya matutupad ang kanyang pangarap kung ganon?

Tumayo na siya at dumeretso na sa architecture department.

Pag ka punta niya doon ay nag usap muna sila nang head doon at nag bigay nang mga detalye para naman may ideya siya sa ibibigay niya sa business department.

Umalis na siya at tumungo na sa business department.

Pagkadating niya doon ay pumunta siya kaagad sa head nang department na iyon.

Nagmamadali siya dahil gutom na gutom na siya.

Naaawa na siya sa baby niya na kailangan nang kumain sa loob nang tiyan niya.

Umabot 30 minutes siyang nag stay doon at eksaktong malapit na mag 12 .

Umalis na siya sa business department at sumakay na sa elevator.

Napakapit naman siya sa stool nang elevator.

Medyo nahihilo na siya at talagang nagugutom na.

Bumalik siya sa 30th floor kung nasaan ang opisina niya.

Kukunin niya pa ang bag niya bago siya kumain.

Andoon kasi ang vitamins na kailangan niyang inumin.

Nahihilo na siya at napakapit nalang sa pinto nang opisina niya.

Saktong mawalan siya nang malay ay nakita niya si Zach na nagmamadali papunta sa kanya. Hanggang sa nilamon na siya nang dilim.

-------------------------------------------------------------

End of chapter thirty three guys. Pag pasensyahan niyo na kung mayroon mang wrong typo or grammar. Hihi ^_^

One Night With YouWhere stories live. Discover now