Ericka point of view :
Lunes na ngayon. At ready na siya sa kanyang trabaho.
Galingan mo dun. Napalingon naman siya nang nagsalita ang kaibigan niya.
Ngumiti lang siya at tumango. Unang araw niya ngayon sa trabaho at excited na siya.
Kagabi niya pa pinapanalangin na sana hindi masungit ang boss nito.
Papunta na siya sa kompanya. Nag taxi lang siya para mabilis.
Pagbaba niya nang taxi ay nakita niya ang napakalaking kompanya.
Ang montenegro empire. Isa iyong sikat sa business industry.
Papasok na siya nang may sumalubong sa kanya.
You are ms. Magdayao right? Tumango naman siya rito.
Follow me. Medyo is stricta ito. Nasa mid 30's na ang edad siguro nito. Binabase niya lang kasi sa mukha.
Sumunod naman siya. Pumasok sila sa elevator at pinindot iyon nang matanda ang button na 30th floor.
Napakataas naman pala nang building na ito. Pano kaya pag nasira ang elevator ano?
Siguro mapapagod siyang umakyat sa 30th floor gamit ang hagdan.
Pagbaba niya kanina sa taxi ay akala niya hanggang second floor lang iyon.
Mukhang design lang iyon para simple lang sa pananaw nang iba. Pero sa kanya ay napaka gara na nun.
Pagpasok mo sa loob nang kompanya ay doon mo lang makikita na malawat at mataas ang building na iyon.
Paglabas nila nang elevator ay sumusunod pa rin siya sa matanda. Hindi niya ito kilala at hindi naman ito nagpakilala sa kanya.
Binuksan nito ang pinto. Isa iyong maliit na office na may isa pang pinto.
Siguro sa pinto na iyon ay opisina nang boss niya.
Maganda ang office na iyon. Here's your office. Sabi nang matanda.
Ano pong pangalan nyo? Tanong niya naman rito.
Call me mrs. Ruth. Ang ganda naman nang pangalan nito.
Opo mrs. Ruth. Ngumiti naman ito sa kanya. Mas bagay sa kanya ang ngumiti.
Sinabi na ni mrs. Ruth ang mga dapat niyang gawin sa opisina.
Tatawag sa intercom ang ceo kung may kailangan ito. Hindi raw iyon masyadong lumalabas sa office.
Napaka busy naman nang boss niya. Tinuruan rin siya ni mrs. Ruth kung pano mag set at mag cancel nang appointment.
Yun daw ang gawain nang secretary. Tutulong rin siya raw mag ayos nang files sa boss niya at pag dala nang files sa loob nang office nito.
Siya raw ang susi para maipasa nang mga trabahador dito ang kanilang proposal.
Tatawag muna siya sa intercom para malaman nang boss niya. Ayaw daw nang ceo na pumapasok lang ito sa office niya na hindi nagpapaalam.
Hindi na raw lumalabas ang ceo pag lunch time. May nag dedeliver daw rito nang pagkain nito.
Iyon si mang berto. Ang kanang kamay nang daddy raw nang CEO.
Wala raw siyang tiwala sa ibang tao. Natatakot naman siya dahil baka pag hindi niya magawa ang gawain nito ay papagalitan siya nang ceo.
Lunch na at totoo ngang hindi lumabas ang boss niya sa opisina nito.
Wala naman siyang masyadong ginagawa. Hindi rin naman siya tinawag sa intercom nang boss niya.
Bumaba siya sa 25th floor nandoon raw ang canteen. Umorder lang siya at naghanap nang bakanteng lamesa.
Nagsimula na siyang kumain nang may lumapit at umupo sa mesa niya.
Napatingin naman siya rito. Maganda ito.
Pwedeng makiupo? Tumango naman siya rito at pinagpatuloy ang pagkain.
Ikaw diba ang bagong secretary nang ceo? Umoo naman siya.
Napaka daldal naman nito.
Alam mo bang si boss masyadong mailap sa tao. Nakinig naman siya rito. Matagal pa naman ang balik nila.
Dalawang oras ang lunch break dahil ayaw daw nang ceo na mayroong late pag isang oras lang ang lunch.
Nakita mo na ba ang CEO? Tanong nito sa kanya. Umiling naman siya.
Ako rin hindi ko pa rin nakita ang ceo. Balibalita rito na single raw iyon . Grabee naman pati personal nang buhay nang boss nila ay pinag chichismisan nila.
Anong pangalan mo? Ang daldal talaga nito. Ericka ikaw? sagot naman niya nito.
Ahh ako si charmaine. Isang taon na akong nag ta trabaho rito.
Ang tagal mo naman pala rito. Tumango lang ito. Tinapos na nila ang pagkain.
Alam mo ba bumibisita lagi dito si maam tiffany. Tiffany? Sino naman kaya iyon.
Sino yon? Takang tanong niya.
Model yun at patay na patay sa boss natin. Tawang sabi nito.
Ngumiti naman siya rito. Bumalik na sila dahil 20 mins nalang ay tapos na ang lunch break.
Umupo na siya sa kanyang mesa at nagsimula nang eh alphabetical order ang mga paperworks.
Wala naman siyang masyadong gagawin kahit hindi pa inuutos ito nang boss niya ay ginagawa na niya iyon.
Ayaw naman niyang maging pabaya. Alas 5 na siya natapos. 4:30 ang out niya habang 8 pm naman ang out nang ceo.
Pag mag oovertime siya ay 7 na siya makakauwi.
Umuwi na siya sa apartment at nakapikit na. Masyadong marami ang paperworks na tinapos niya.
Nabasa niya roon na masyadong mabenta ang new project nang kompanya.
Masyadong mataas ang sales rate nito. 80 percent iyon. Sumasakit ang likod niya dahil nakayuko siya habang inaayos ang mga papeles.
Pumikit na siya at natulog na. Masyado pa siyang maaga bukas dahil sa trabaho.
-----------------------------------------------------------
End of chapter twenty guys. Pag pasensyahan niyo na kung mayroon mang wrong typo or grammar. Hihi ^_^
YOU ARE READING
One Night With You
RomanceIsang babaeng na engaged sa isang one night stand. Tunghayan ang kwento ito. RATED 18 . Read at your own risk. please enjoy the story ^_^