Ericka point of view :
Ngayon ay magkasama na sila ni zach. Nakasakay sila ngayon sa eroplano. Walang imikan.
Pag kababa nila ay hinatid siya ni zach sa kanyang apartment.
Medyo hindi naman halata na buntis siya. Malaking tshirt at pants ang sinusuot niya lagi.
Ayaw niya malaman ni zach na buntis siya. Natatakot siya na baka hindi pa nito gusto magkaanak.
Pagdating niya sa apartment ay sinalubong siya kaagad ni michelle.
Kahit isang linggo lang siya nawala ay namiss niya ito.
Natulog muna siya at nagpahinga. Bukas nalang sila maguusap ni Michelle.
Kinaumagahan ay nagaagahan sila. Panay tingin sa kanya ni michelle kaya napalingon naman siya rito.
Bakit? Takang tanong niya sa kaibigan.
Bakit tumataba ka yata? Nabigla naman siya sa sinabi nang kaibigan.
Natameme siya. Kinakabahan siya.
Natatakot siya na baka magalit ang kaibigan niya pag nalamang buntis siya.
Syempre kumakain ako nang marami eh. Kabadong sagot naman niya.
Hindi ka naman ganyan dati ah? Minsan ka nga hindi mo pa maubos ang pagkain mo. Nagtataka na siguro ito sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya.
Buntis kaba ekang? Napabalikwas naman siya sa kanyang upoan. Ganon na ba siya kahalata?
Nanginginig siya. Seryosong nakatingin ang kaibigan sa kanya.
Chelle... Kabadong kabado siya.
Sabihin mo sakin ang totoo ekang. Buntis ka ba? Kunot na ang noo nito.
Kasii.. Baka magalit ka sakin. Nanginginig niyang sabi.
Magagalit ako pag hindi mo sinabi ang totoo. Napabuga naman siya sa hangin.
Malaki ang tiwala niya sa kanyang kaibigan kaya sasabihin niya na buntis siya.
Tumango naman siya at nanlaki ang mata ni michelle.
Alam naman nito ang ibig sabihin. Napahilamos naman ito nang mukha.
Tekaaa.. Kelan lang? Naguguluhan na tanong sa kanya nang kaibigan niya.
Hindi ko alam.. Nitong nakaraan ko lang nalaman na buntis ako.. Nakayuko siya habang sinasabi niya iyon.
Alam niyang sariling buhay naman niya iyon ngunit alam niyang nagaalala ang kaibigan niya sa kanya.
Alam naba ito nang mga magulang mo? Tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya rito. Ngumiti ito sa kanya at sinabing mabuti naman kung ganon. Masaya ako para sayo.
Nabunotan naman nang tinik ang lalamunan niya. Mukhang maiiyak siya.
Alam niyang ayaw nang kaibigan niya na mabuntis siya nang hindi pa kasal.
Ganon siya kamahal nang kaibigan niya.
Alam naba to ni zach. Napawi naman ang ngiti niya saka umiling.
Oh my god ekangg. Bakit hindi niya pa alam? Takang tanong nang kaibigan nito sa kanya.
Natatakot ako chelle. Ayokong malaman niya. Naiiyak na siya.
Inalo naman siya nang kaibigan niya. At umoo nalang ito na hindi kailanman ipagsasabi sa iba. Lalong lalo na kay zach.
Napagpasiyahan niya na magpatingin sa doctor bukas kasama ang kaibigan. Mag shoshopping sila at mag bobonding.
Kinaumagahan ay nagayos na sila at dali daling pumunta nang ospital or clinic.
Ngayon ay papunta na sila sa ospital or clinic. Excited na excited ang kaibigan niya.
Matapos siyang eh check up at resitahan nang doctor ay dumeretso sila sa mercury drug store at bumili nang vitamins niya para sa kanyang baby.
Napagdisesyonan na niya na wag ipaalam kay zach tungkol sa bata. Kaya niya itong buhayin.
Nagdisesyon na rin siya na mag resign sa trabaho at maghanap nang trabaho ulit.
Kaagapay niya rin si michelle na gustong gusto maging ninang nang anak niya.
Nandito na sila sa mall at bumibili nang damit at pagkain.
Namili sila nang mga iba't ibang prutas at mga groceries.
Napagpasiyahan nila na kumain sa restaurant . Nag usap lang sila at nag enjoy.
Umuwi na sila at nagpahinga na. Alam niyang selfish siya dahil ayaw niya na malaman ni zach tungkol sa bata.
Ngunit bilang isang ina kapakanan lang nang anak niya ang gusto niyang ingatan.
Kahit kamuhi an siya ni zach ay wala siyang pakialam.
Ayaw lang niya na maranasan na baka hindi tanggapin ni zach ang anak nila. Iyon ang bagay na kinatatakutan niya pag dating nang araw.
-------------------------------------------------------------
End of chapter thirty guys. Pag pasensyahan niyo na kung mayroon mang wrong typo or grammar. Hihi ^_^
YOU ARE READING
One Night With You
RomanceIsang babaeng na engaged sa isang one night stand. Tunghayan ang kwento ito. RATED 18 . Read at your own risk. please enjoy the story ^_^