Zachary point of view :Busy ako ngayon sa trabaho at napatingin ako sa orasan.
Malapit nang mag 12 at mag la lunch na siya.
Lumabas siya nang makita niya na wala si ericka sa table nito.
Siguro ay may inasikaso ito gayong medyo busy ang kompanya sa pag lalaunch nang mga bagong proyekto.
Eksaktong 12 na at wala pa ang maghahatid nang pagkain niya.
Nagugutom na siya at medyo sumasakit na ang ulo niya dahil siguro ito sa trabaho.
Puspusan ang gawain niya at tambak na tambak siya nang papeles .
Hindi na siya mapakali kaya lumabas siya nang kanyang opisina.
Eksaktong paglabas niya nakita niya si ericka na nakahiga na sa sahig.
Dali dali naman siya pinuntahan at binuhat ito.
Medyo mabigat na ito. Ilang linggo niya lang hindi ito nakita ay nagkalaman na agad ito.
Sumakay siya sa elevator habang buhat pa rin si ericka.
Marami nang empleyado ang nag taka sa kanya.
Hindi naman niya pinansin iyon. Kahit medyo ngalay na siya ay buhat niya pa rin ito.
Paglabas nila nang elevator ay agad siyang nagmadali lumabas.
Nag panic naman ang tao sa lounge pero hindi niya ito pinansin.
Dumeretso siya sa hospital. Hindi niya alam kung bakit ito nahimatay.
Agad na pagpasok nila sa hospital ay may nakaabang na na mga nurse.
Agad itong pinahiga sa strecher at dineretso sa kwarto.
Medyo nawala ang kanyang gutom dahil na rin sa gulat nang makitang ganon ang sitwasyon nang babaeng mahal niya.
Nakaupo siya sa labas nang kwarto habang nasa loob naman ineexamin nang doctor si Ericka.
Hindi siya mapakali dahil rito.
Biglang lumabas ang doctor kaya napa tayo naman siya sa upuan.
Doc kamusta siya? Nagaalalang tanong niya.
Okay na siya. Nahimatay lang siya sa gutom. Umalis kaagad ang doctor.
Medyo guminhawa naman ang pakiramdam niya.
Pumasok siya sa loob nang kwarto at nakitang natutulog iyon nang mahimbing.
Lumabas muna siya para bumili nang pagkain.
Papalabas siya nang ospital nang makita niya na mayroon malapit na restaurant doon.
Pumunta naman siya doon at nag order.
Doon na rin siya kumain. Medyo marami lang kinain niya at nag order siya nang take out para pag gumising si ericka ay may makakain ito.
Bumalik siya sa ospital. Pagbalik niya doon ay natutulog pa rin ito .
Tumawag naman siya sa kanyang opisina na hindi siya makakabalik doon dahil may emergency.
Lumabas muna siya saglit para bayaran ang hospital bills.
Binayaran na niya kaagad para pag labas nila ay diretso na iyon makauwi.
Bumalik siya sa kwarto at umupo sa isang stool.
Tinignan niya si ericka. Medyo tumataba na iyon.
Napangiti naman siya dahil doon.
Biglang pumasok ang doctor at napatingin naman siya doon.
Ibang doctor na iyon.
Chineck up niya si ericka at tinanggal nito ang surgical mask.
Ngumiti naman ito sa kanya kaya nagtaka siya.
Bakit? Takang tanong niya rito.
Congratulations sir. Kumunot naman ang noo niya.
Huh? Na realize naman siguro nang doctor ang kinikilos niya.
Anong congratulations? Dapat ba niya marinig iyon nang makitang nawalan nang malay ang babaeng mahal niya.
Sir boyfriend niya po ba kayo? Tumango naman siya rito.
Kahit hindi naman sila ni ericka ay gusto naman niya ito.
Sir hindi niya nakayanan ang gutom dahil dalawa ho silang nagugutom.
Dalawa? Takang tanong niya.
Anong dalawang sinasabi nang doctor sa kanya.
Sir buntis ho siya. 6 months na siyang buntis. Nagulat naman siya rito.
Ano? Buntis ito?
Buntis? Nagtataka pa rin siya.
Opo. Nawalan siya nang malay dahil sa gutom at kulang sa vitamins. Mauuna na po ako. Congratulations po.
Umalis na ang doctor.
Napaawang naman ang bibig niya. Buntis ito at hindi man lang sinabi sa kanya.
Napatingin siya kay ericka. Bakit hindi nito pinaalam sa kanya.
Hindi siya magdududa rito dahil alam naman niya na siya lang ang nakakagalaw kay ericka.
Napangiti nalang siya sa kawalan. Hindi siya galit kay ericka dahil nilihim nito sa kanya ang pagbubuntis nito.
Masaya siya dahil nagbunga ang ginawa nila. Mahal niya si ericka at talagang may pag asa na siya dahil dala dala nito ang anak niya sa kanyang sinapupunan.
Hinaplos naman niya ang tiyan nito. Naramdaman niya na may sumipa iyon doon.
Napangiti siya. At bumulong nang I can't to see you my baby. Wag makulit sa tiyan ni mommy. Iloveyou.
-------------------------------------------------------------
End of chapter thirty four guys. Pag pasensyahan niyo na kung mayroon mang wrong typo or grammar. Hihi ^_^
YOU ARE READING
One Night With You
Storie d'amoreIsang babaeng na engaged sa isang one night stand. Tunghayan ang kwento ito. RATED 18 . Read at your own risk. please enjoy the story ^_^