Ericka point of view :Ako nga pala si ericka magdayao. 22 years old na. 4th year college na ako at malapit nang makapagtapos ng pag aaral. Mahirap ang buhay ko. Ang nanay at tatay ay nag tatrabaho sa probinsya bilang magsasaka at tindera.
Nagtatrabaho ako sa isang coffee shop bilang part time worker . Ang sweldo ko bilang isang waitress sa coffee shop ay pinagtustos ko sa aking pang araw araw at pinapadala sa aking mga magulang.
Nandito ako ngayon sa paaralan dahil sabi daw ng mga commitee e papaskil ngayon ang mga taong mag mamartsa sa entablado sa darating na graduation ceremony.
Nandito ako sa library para taposin ang mga natitirang gawain at paper works ko. Nang biglang nag ring ang bell.
Hudyat na naipaskil na ang ang listahan sa bulletin board. Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko at lumabas na ng library patungo sa social hall kung saan ipinaskil ang listahan.
Habang papunta akon doon ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung kasali ba ako sa listahan.
Ngunit nang makita ko ang pangalan ko sa listahan ay nabunotan ako ng tinik sa aking lalamunan.
Hindi ako magkamayaw sa saya. Sobrang saya ko nun. Agad kung tinawagan sina nanay at tatay para sa isang magandang balita.
Hello anak? Boses ito nang nanay ko.
Nayy may ibabalita ako sayo . Sabi ko naman na mukhang excited na excited.
Mukhang maganda nga iyang ibabalita mo.. Ano ba iyan anak? Tanong naman ni inay at mukhang gusto rin marinig ang ibabalita niya.
Nayy napasama ako sa listahan ng gagraduate ngayong marso. tuwang tuwa ko namang sabi.
Abay malaking balita nga iyan anak . Carding ang anak mo'y napasama sa listahan. Masayang sinasabi ni nanay ang balita kay tatay.
Narinig ko ang sabi ni itay na anong lista ba iyan? Utang ba? Napatawa naman siya sa sinabi ng kanyang itay.
Hindi naman kasi kinumpleto ng kanyang inay ang sinabi nito.
ay nako carding. Walang utang. Napasama sa listahan ang anak natin. Listahan sa gagraduate ba. Napangiti nalang siya sa sinabi ng kanyang ina.
Labis niyang ikinatuwa ang sinabi ng kanyang itay na salamat sa diyos at makakaahon na rin tayo sa hirap.
Na pa buga nalang siya sa hangin ng maibaba na ito ang tawag. Sa hirap ng kanilang buhay ay nagsusumikap siya na makapagtapos.
Hindi niya alintana ang pagod at puyat niya. Mas lalo lamang siya nag pupursigi na makapagtapos para sa ikakaunlad ng pamilya niya.
Nang makauwi siya ay naabutan niya ang kaibigan niyang nakasalampak sa sofa.
Mukhang pagod ka yata? Tanong niya sa kaibigan na nakahilata sa sofa.
Hindi naman. Na boboring na kasi ako. Sagot naman nito sa kanya.
Napatango lang siya at muli nang pumasok sa kwarto niya para maligo at magkapahinga na.
-----------------------------------------------------------
End of chapter one guys. Pag pasensiyahan niyo na kung mayroon mang wrong typo or grammar. Hihi ^_^
YOU ARE READING
One Night With You
RomanceIsang babaeng na engaged sa isang one night stand. Tunghayan ang kwento ito. RATED 18 . Read at your own risk. please enjoy the story ^_^