Ericka point of view :
Kinaumagahan ay pumasok na siya sa school.
Papasok palang siya sa gate nang may tumawag sa pangalan niya. Hey ekang. Napalingon naman siya dito.
Ito ay si phoebe . Kaklase niya ito. Napangiti siya nang maalala niya na ito lg ang naging kaibigan niya sa skwelahan.
Oh be bakit? Tanong niya rito.
Hintayin muko ekang. Sabay na tayo pumasok. Napangiti naman siya rito.
Umakyat na sila papuntang room. Nasa second floor ang kwarto nila.
Pag dating nila run ay maraming nag kwekwentohan, nagbabangayan at nag sosolo lamang.
Ibang kaklase nila ay mga bata pa ito. 22 pababa ang mga edad nito. Nakangiti siyang tumingin sa mga kaklase niya.
Pag grumaduate sila ay hindi na niya makikita ang mga ito. Habang naiisip niya iyon ay nalulungkot siya at mukhang mamimiss ang mga ingay nila sa classroom.
Nag ring na ang bell. Hudyat tapos na ang klase. Pauwi na siya sa apartment ng may bumusina sa likuran niya.
Akala niya masasagasaan na siya ngunit hindi naman pala. Sasakyan iyon ni zach.
Lumabas si zach sa sasakyan nito. Zach na ang tawag niya sa lalake. Alam naman niya ang pangalan nito.
Napako siya sa kinatatayuan niya ng bigla itong hawakan ang braso niya.
Bakit ho? Takang tanong niya rito. Hindi naman ito sumagot at kinaladkad siya nito papunta sasakyan.
Teka lang hindi ito ang daan sa apartment ko. Napagtantu niya na hindi siya nito ihahatid sa apartment niya.
Saan mo ba ako balak dalhin? Inis na tanong niya rito. Hindi kasi ito sumasagot.
Tinext niya si michelle na hindi siya makakauwi. Nag reply naman ito na mag ingat lamang siya kung nasaan siya.
Biglang huminto ang kotse sa harap ng isang condominium. Nagtaka naman siya kung bakit dinala naman siya ulit nito doon.
Anong gagawin natin dito? Iuwi mo na ako. Seryosong sabi niya.
Nainis naman siya ng hindi siya nito tinapunan ng tingin. Kinaladkad siya nito papuntang elevator.
Nangangatog na ang tuhod niya. Kinakabahan siya kung ano ang mangyayari sa kanila.
Pumasok sila sa condo at pinaupo siya nito sa sofa. Nilibot niya ulit ang paningin niya sa condo ni zach.
Noon kasi ay wala itong panahon tingnan ang condo ng lalake dahil nagmamadali itong dalhin siya sa kwarto.
Naginit naman ang pisngi niya ng maalala niya ang nangyari doon. Isang linggo na ang nakalipas nun pero sariwa pa rin iyon sa isipan niya.
Napabalikwas naman siya ng upo sa sofa ng nagsalita si zach. I bet you are hungry now? Paos na sabi nito .
May kung anong mainit naman na bagay ang lumalatay sa kanyang katawan. Tumango lang siya rito.
Pumunta sila ng kusina at nakita niya may nakahanda na ito ng pagkain. Akala niya ay iba ang mangyayari sa kanila.
Umupo na siya sa isang stool. At kumain na. Magkaharap sila ni zach. Napaisip naman siya.
Masyado na siyang paranoid dahil akala niya mag se sex ulit sila. Oo gusto niyang ideya iyon. Napatitig naman siya rito.
Maganda ang pangangatawan nito at talagang masasabi mong suki ito sa gym. Magaganda ang Mapupulang labi at asul nitong mata. Messy hair naman ito dahil siguro stress sa trabaho.
Gusto niyang mahawakan ang bisig at katawan ng lalake. Gusto niya rin mahalikan ang magandang labi nito. Aminin man niya ay talagang gusto nga niya iyon.
Natauhan lg siya sa kakatitig ng magsalita ito nang mapang akit na tono.
Baka matunaw ako sa kakatig mong yan?
Uminit naman bigla ang pisngi niya. Ang dali namang rumeak ng katawan niya.
Hindi niya alam na nakatitig din pala ito sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Nababahala na siya baka may sakit siya sa puso.
Umiling naman siya at tinignan ulit si zach. Ang ganda talaga ng pag gawa sa kanya ng diyos.
Kung nagpasabog ito ng kagwapohan ay sigurong nasalo niya ito lahat. Blue eyes, red lips, perfect jawline, white fair skin and may dimples pa.
Napabalikwas naman siya ng upo ng biglang sabihan siya nito nang quit staring at me. Baka madala kita sa kama ng wala sa oras.
Namula naman ulit ang pisngi niya.
-----------------------------------------------------------
End of chapter eleven guys. Pag pasensyahan niyo na kung mayroon mang wrong typo or grammar. Hihi ^_^
YOU ARE READING
One Night With You
RomanceIsang babaeng na engaged sa isang one night stand. Tunghayan ang kwento ito. RATED 18 . Read at your own risk. please enjoy the story ^_^