chapter 35

3.1K 48 13
                                    

Ericka point of view :

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kanina nasa opisina pa siya pero ngayon puro puti ang nakikita niya.

Hindi kaya patay na siya? Na shock naman siya nang makita niya na naka bantay sa kanya si zach.

Siya ba ang nag dala sa kanya dito sa ospital? Oo alam na niya na nasa ospital siya dahil nakita niyang may naka kabit na dextrose sa kamay niya.

Napangiwi naman siya nang makaramdam siya nang gutom.

Anong oras na hindi pa siya kumakain. Lalo na't gutom na gutom na ang baby niya.

Naasiwa siya dahil nandito sa gilid niya si zach.

Ayaw niyang gumalaw baka maalimpungatan ito.

Ngunit nanlaki ang mata niya nang ih angat ni zach ang ulo nito at mariin siyang tiningnan.

Napaiwas siya nang tingin. Ayaw niyang makipagtitigan dito baka matunaw siya.

Lumalambot kasi siya pag nandyaan si zach sa tabi niya o nasa paligid niya.

Ericka. Malumanay ang boses nito.

Napabaling naman ang atensyon niya kay zach nang magsalita ito nang bakit di mo sakin pinaalam.

Gusto niyang maiyak. Nalaman na nito na buntis siya.

Hindi siya nag salita. Titig pa rin siya kay zach nang makitang umiba ang ekspresyon nito.

Kaninang malumanay ang tingin ay napalitan nang sakit.

Bakit ito nasasaktan? Hindi ba hindi naman siguro nito gusto magkaanak.

At may kasalanan ito sa kanya. Ngunit napatawad naman niya ito.

Pero ang sakit na dulot nito sa kanya ay nandoon pa rin.

Kumain ka muna. Nabaling ang tingin niya sa pagkain.

Nagugutom na talaga siya. Inilagay naman sa plato ni zach ang pagkain at binigay sa kanya.

Kinuha niya agad dahil nagugutom na siya.

After you eat we need to talk. Cold na sabi nito bago umalis.

Ano bang paguusapan nila? Ayaw niya na mawalay sa kanya ang anak niya.  Hindi niya kakayanin kung mangyari man yun.

Oo selfish siya. Eh anong magagawa niya dahil mahal niya ang kanyang anak.

Bilang isang ina kahit tawagin man siyang madamot sa kanyang anak ay wala siyang pakialam.

Oo ayaw niya na mabuhay ang kanyang anak na walang kinikilalang ama. Hanggat sa kaya niya pa ay kaya niyang gawin mapa ina man o mapa ama.

Natapos na siyang kumain at uminom nang vitamins.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon si Zach na may bitbit na prutas.

Inilagay naman nito doon sa basket.

Anong kailangan natin pagusapan? Tanong niya.

Siya na ang bumasag nang katahimikan sa loob nang kwartong ito.

Hindi siya mapakali.

About the baby. Parang nabuhusan siya nang malamig na tubig.

Kung kukunin nito sa kanya ay hindi siya papayag. Ayaw niyang mawalay sa anak niya.

At ano naman ang tungkol doon? Kahit gusto niyang maiyak ay kailangan niya maging matatag. Ayaw niya pairalin ang emosyon niya. Makakasama iyon sa bata.

Why did'nt you tell me na may anak tayo?  Nakita niya na nasaktan ito.

Nasaktan ba ito dahil hindi nito gusto buhayin ang anak nila o nasaktan ito dahil gusto nitong malaman na nagkaanak sila.

Dalawa lang naman ang pagpipilian hindi ba? 

Kailangan paba yun? Napabaling naman ito sa kanya.

Ericka i have my rights . Gusto niyang matuwa kasu mayroong double meaning iyon.

Kung ayaw mong buhayin ko ang bata hindi ko magagawa iyon. Nagkunot naman ang noo ni zach.

I didn't say that i don't want a child. Cold na sabi nito.

So ibig sabihin gusto rin nito magkaanak. Gusto niyang maiyak sa tuwa.

Masama bang naniniguro siya?

Im sorry. I just jump into the conclusion. Kalma niyang sabi.

Ericka i wanted to be a father. I just want the best for my baby. Seryosong sabi nito.

Handa itong maging ama . Ibig sabihin kahit kaninong babae ay handa itong maging ama.

Nasaktan siya doon. Tumango lang siya rito at nagtalukbong.

Isa ito sa ayaw niya sa ugali niya. Hindi niya muna tinatanong o sinisigurado kung tama ba ang pinag iisip niya.

Mahal niya si zach at ayaw niyang ang anak nila ang rason kung bakit kailangan siya nito panagutan.

Gustong gusto nang kumawala nang luha niya at hindi na niya napigilan iyon . Alam niyang sa sarili niyang puso na wala iyong meaning ngunit ayaw mapatalo kanyang isip.

Ayaw niyang mag overthink sa walang kwentang bagay.

Ayaw niyang mag isip nang kung ano ano.

Baka makasama pa sa batang dinadala niya.

Nanatili lang siyang ganun. Umiiyak nang palihim at humihikbi hanggang sa makatulog na siya.

-------------------------------------------------------------

End of chapter thirty five guys. Pag pasensyahan niyo na kung mayroon mang wrong typo or grammar. Hihi ^_^

One Night With YouWhere stories live. Discover now