23 Angry Solenn

1.2K 40 3
                                    


GLAIZA

Isang kalabog ang narinig namin ng kasama kong babae sa loob ng sasakyan pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Solenn na masama ang tingin sa kasama kong babae. Binuksan ko ang pinto at lumabas.


" Paalisin mo na yang babae mo at baka kung ano pa ang magawa ko!"-banta niya sakin.

Wala akong nagawa kundi sabihan ang babae na umuwi nalang. Pero bago pa ako makalayo dito ay isang makapugto hiningang halik muna ang ginawad niya sa akin bago pinaharurut ang sasakyan nito.

Nauna nang pumasok ng bahay si Solenn. Napahinga ako ng malalim. Nawala yata ang kalasingan ko sa tono palang ng boses niya ay pihadong galit ito. Kinapa kapa ko ang bulsa ng suot kong jacket. Naglabas ako ng sigarilyo at sinindihan ito at sunod sunod na hinitit. Nakita ko ang mga babae sa garden pero wala akong lakas ng loob para lapitan sila dahil hindi ko alam kung paano ko sila pakikiharapan. Hindi ko din alam kong anung sasabihin ko. Paubos na ang yosi ko ng naglabas ulit ako ng isa at sinindihan ito uli at inipit sa pagitan ng daliri ko. Parang nakita ko si Rhian kaninang umiiyak but I just shrugged it off. I don't care anymore.


" Since when did you start smoking again?."-tanong ni Solenn na tumabi sakin.

"Couple of days now."-totoong sagot ko hindi ko talaga kayang magsinungaling sakanya.

"Until when?"-siya uli.

" Ang alin?"-curious kong tanong.

"Hanggang kelan mo yan gagawin sa sarili mo? Having one night stand with random girls, wasted and fucked up!"-banaag na ang galit sa boses niya.

"Hindi ko din alam"-sagot ko.

" Where's your pack of cigarette?."-tanong niya.

" Don't dare to smoke Hon."-sabi ko.


" Give the fuckin' cigarette Glaiza!!."-mataas na boses niyang utos sakin.

Napalapit na din ang ibang mga kasama namin sa bahay dahil sa lakas ng boses ni Solenn. Nataranta ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. She just called me by my name and I know she's gonna blow up anytime soon.

I fished out the pack of cigarette in my jacket , my hands trembling as I gave it to her. I was surprised with the sudden rage of anger that's now visible in her eyes. I can see pain, disappoinment and an unexplainable anger into her. I'm scared of her getting in this state. That's a fact. Mas takot ako sakanya kaysa kay Sanya.

" Shit ka Glaiza! What have you done!"-mura ko ng malutong sa sarili ko.

I don't wanna hurt her anymore pero ito na naman ako at nasasaktan na naman siya ng dahil sakin. Knowing Solenn the least thing that she can do is getting angry at me, but now I totally messed up.

Kinuha niya ang pakete ng sigarilyo sa mga kamay ko at linabas lahat ng laman nito.

"Give me the lighter!"-siya uli.

" Hon"-protesta ko.

"The fuckin' lighter Glaiza! Don't make me repeat it twice or else!."-nanginginig na siya sa galit.


Binigay ko sakanya ang lighter at sinindihan niya ang sigarilyo at hinitit ito. Pinigilan ko siya sa paghawak ng kanyang kamay pero tinabig niya ito.

A Rastro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon