GLAIZA
" Aray ko! Yoyon ano ba ang sakit nun ha!"-bulalas ko.
Lumayo siya sakin ng mabasa ang message sa phone ko. Lagot! Mahirap pa naman itong suyuin lalo na at buntis pa. Hinabol ko siya at marahang pinihit paharap sakin.
" If ganyan ang paraan mo para makaganti panalo ka na! Ghaad you don't have to slap it in my face!"-namumula sa galit na sumbat niya sakin.
" Rhian tawag at message lang yun! I never have the intention na pumatol sa iba kahit pa nagkahiwalay tayo. You should've known me better than that!"-balik sumbat ko.
" Ghaaad Do you honestly think na magagawa kong maghanap ng iba!?Damn this stupid idea of mine makes us even worse akala ko magkakaayus na tayo, we're just going back in circles! Pagputok ng araw ihahatid na kita sa bahay!"-Pinal kong sabi.
" No! ayokong umuwe ng hindi kita kasama!"-hiyaw niya.
Tinalikuran ko na siya. Ayokong ng makipagargumento pa, kakaayos lang namin pero heto na naman.
" Hubby, I-I'm just insecure and jealous"-Parang batang sabi na niya.
Napasapo na lang ako sa batok ko at napakamot ng kilay. Haist! buntis nga pala ang asawa ko.
Ala una na ng madaling araw at heto kami,arguing with something na hindi naman dapat dahil lang sa pagseselos ng asawa ko.
" I can't help it! ang tagal mong nawala tapos..tapos lahat ng napagkasunduan natin binali mo and you promise that you'll never flaunt your body to anyone else pero kulang na lang ibalandra mo ang katawan mo ng hubad and worst sa national television ka pa napapanood. I'm sure madaming higad na naman ang gustong makalapit sa'yo !"-patuloy niya habang humihikbi.
" I was not in my usual self at that time Yoyon. I'm sorry if I hurt you in more than ways than one"-suyo ko na.
" Come here Wifey.Birthday na birthday mo pero inaaway mo ako. Matulog na tayo may pupuntahan tayo bukas. My 2nd gift is waiting for you"-yakap ko sakanya and peck her lips.
" We're good now, aren't we?"-I ask gently.
Tumango siya and held me close to her.
" Thank goodness Wifey."-I smiled lopsidedly.
Binuhat ko na siya at hiniga sa kama. She's yawning kanina pa. Pinatagilid ko siya and spooned her.
She just hold my arms na nakayakap sakanya at saglit lang ay nakatulog na siya. Nasa gitna kami ng laot at dito ko muna naisipang magpalipas ng gabi. Bukas na kami pupunta sa isla.
------
6Am ay gising na ako. Ang higpit ng pagkakayakap sakin ni Rhian kaya inabot ako ng ilang minuto para makawala sakanya. I didn't bother to wake her up dahil pagod at puyat siya kagabi, gigisingin ko na lang siya after an hour for breakfast.Mula nung nagkahiwalay kami ni Rhian ay naging habit ko na ang magpunta ng gym, kaya naman nagpalagay ako ng mga gym equipments dito sa yate, nagshower na muna ako at isang halik muna ang ginawad ko sa asawa ko at pumunta na sa katabing kwarto naming mag-asawa para makapag ehersisyo. Hindi mahahalata ang pintuan ng mini gym dahil may tabing ito na makapal na kurtina.
------
RHIAN
Ang ganda na sana ng umaga ko dahil nagkaayus na kami ni Glaiza,pero dagling nawala ang ngiti ko ng wala akong makapa sa tabi ko. Bumalikwas ako ng bangon.
" Glai.. Hubby!"-tawag ko pero walang sumasagot.
Pumunta ako ng banyo pero wala.
Lumabas ako at linibot ang buong paligid ng deck pero wala siya . Umakyat ako sa upper deck pero walang bakas ni Glaiza. Bumalik ako sa kwarto at umupo sa gilid ng kama at umiyak na ako ng umiyak.
BINABASA MO ANG
A Rastro Story
أدب الهواةRastrox Biatchi GlaizaxBatchi( intersex) HowellxGalura "May God bless this marriage and may your love for each other continue to grow."