71 Bubbles

854 41 7
                                    

Abala si Glaiza at Batchi sa paghanda para sa gagawin nilang sample ng pagluluto para sa mga estudyante nila.

Simple lang muna ang lulutuin nila which is their favorite food pochero.
Wala silang kamalay malay na ang asawa't nobya nila ang evaluator.

They have prepared all the necessary ingredients, yung paraan ng presentation na lang ang gagawin nila and they told their students to take down notes sa lahat ng gagawin nila mula sa kaliit liitang detalye.

Samantalang sina Bianca at Rhian ay papasok na sa university.

" Rhian iwan mo na sa sasakyan yang bubbles na binili mo remember, we are evaluators hindi mga batang maglalaro sa playground"-paalala niya sa buntis.

" I'll just take one, may bulsa naman ang damit ko. Don't worry hindi ako magbubbles dun"- sagot nito na parang bata.

Napailing na lang si Bianca at dumiretso na sila sa office ng dean.

-------

GLAIZA

Nakahanda na ang lahat at hinihintay na lang namin ang mga evaluators namin, siguro mga tanyag din na chef ang naimbitahan ng dean. I'm confident na papasa naman kami ni Batchi dahil we are doing our best na turuan ang mga future chef dito sa bansa natin.

Maya maya pa ay nakarinig na kami ng katok at bumungad si dean.

" Hello, professors and students nandito na ang mga evaluators natin. And please behave kayo students kung ayaw niyong bumagsak ang mga prof niyo."-babala nito na nakangiti.

Nagkatinginan kami ni Batchi at kinabahan dahil parang double meaning ang sinabi ng dean. Well she knows about Bianca and Batchi at sa amin ni Rhian dahil umatend din siya sa kasal namin.

Tinapik niya ang balikat naming dalawa at bumulong.

" Focus sa presentation kundi malalagot kayo"-ngiti niya samin.

Tumango lang kami at hinintay na ipakilala niya ang mga bisita.

" Guys I want you to meet our visitors for today isa sa mga kilalang chef na din sa bansa and one of our alumni and the other one is a renowned business woman a CEO, Chef Bianca Howell and Rhian Howell"-pakilala ng dean.

Napanganga kami ni Batchi akala namin ay dinadaya lang kami ng pandinig namin pero nang pumasok na ang mga nabanggit ay dun lang kami nahimasmasan ni Batchi.

Nagsitayuan naman ang mga student namin at sabay sabay silang bumati.

" Good day Chef Bianca and Mam Rhian"-

" Good day to you too. So we hope that our professors here are capable at natuturuan kayo ng naaayun sa curriculum ng university"-makahulugang sabi ni Bianca at simpleng tumingin kay Batchi.

" We are here to assess and evaluate the performance of Prof.Batchi and Prof Glaiza and I want them to impress me on how they indoctrinate you as the upcoming chefs."-seryosong saad ni Rhian at umirap sakin.

I miss this side of my wife intimidating, serious and mature. Well pagdating sa mga ganitong bagay she's really pulling it off. Unlike pag nasa bahay kami na puro tantrums ang alam, and I love her more for that. Sarap niya kayang alagaan.😂

Batchi cleared her throat and smiled sa mga bagong dating to release her tension o kung ano mang kabang nararamdaman niya.

Pinaupo na namin sa pinakaharap ang mga evaluators we need to focus nadidistract ako sa pagtingin ng asawa ko sakin.

A Rastro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon