08

362 14 0
                                    

Andrea's

Badtrip!

Dati kasi, kapag nadedetention ka daw, nandon ka lang daw sa library tas hihintayin mo lang daw matapos yung time mo.

In short, wala ka namang gagawin kundi ang maghintay. Ewan ko ba kunh totoo ba pinagsasabi nila kasi ngayon lang naman ako nadetention.

Fake news amp! May pinapagawa pala  eh!

Pinagayos ako ng mga libro at mga files na nakakalat. Pati yung mga upuan ganon.

Pero ok lang naman, di naman mabigat na gawain yon. Baka binago nila yung rules kasi tingin ng student free time ang madetention, parang advantage sakanila yon para makapag pahinga sila.

Sa sobrang pagkalibang ko sa pagaayos ng library di ko namalayan yung oras. Tapos na pala yung oras ko kaya naman pinauwi na ako nung librarian.

Hays magisa akong uuwi, di ako sanay.

Badtrip na lareg yan eh! Ngayon pa bumisita amp.

Habang papalapit ako sa gate ng univ may nakita akong pamilyar na lalaking nakaupo sa waiting area, umiidlip.

"uy" marahan kong inalog sa balikat si Sunghoon.

5 kasi ang dismissal namin, eh 2 hours ako sa library kaya 7 pm na. Ano pang ginagawa neto dito?

"tapos na yung sa detention mo?" tanong niya habang kinukusot yung mata niya.

"oo. Anong ginagawa mo dito?"

"pabo. Hinihintay ka malamang"

"sabi ko mauna ka ha?"

"eh ayokong mauna" he shrugged.

Pasaway 'to! Pag ako sinisisi neto na hindi niya nagawa yung iba sa activities niya makokotongan ko' to.

"nagugutom ako" sabi niya.

"kasalan ko? Ikaw kasi eh! Sabi ko mauna ka na kasi gagabihin ako"

"may sinabi akong kasalanan mo? Tsaka yun nga yung dahilan kung bakit hinintay kita"

"eerrr cringe" sabi ko at kunwareng nasusuka pa. Pero siyempre joke lang!

"tara na libre na kita" sabi ko pa.

"yun oh! Hehehe tara" umakbay siya at mabilis akong hinila palabas ng univ.

Kaya naman pala nanghintay, magpapalibre! Mautak ang loko.

Pumunta kami sa jollibee dahil nagccrave ako sa spaghetti, di naman siya nagreklamo eh.

Burger at coke float ang pinili niya, nag add naman ako ng fries sa order ko. Oo gutom ako! Daming ginawa sa library kanina.

Pagkaupo ko, may kinakausap siya sa phone niya kaya hinayaan ko muna.

"si Jungwon, hinahanap ako" sabi niya kahit di ko naman tinatanong.

"oh kain ka na" inabot ko yung pagkain niya.

Tinanong niya ako kung ano daw ba ginawa ko sa library nh dalawang oras kaya kinuwento ko sakanya yung mga pinaggagagawa ko.

Pagkatapos namin kumain, sabay na kaming umuwi.

"salamat sa paghintay" sabi ko.

"mmm siyempre, magkatabi lang naman tayo eh di naman malayo dorm ko sayo" sabi niya naman.

Literal na malapit lang siya kasi yung pinili niyang dorm is yung sa tabi ng akin.

"night. Katok ka lang or call kung may di ka maintindihan sa activities" sabi ko sakanya.

"ok. Good night" di pa siya pumapasok sa loob kasi hihintayin pa niya akong maunang pumasok.

Pagkapasok ko, nagbihis ako ng pangbahay at sinimulan na yung nga school activites ko.

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon