Andrea's
"kanina ka pa tahimik. Yung totoo? May problema ka ba?"
"di naman sa lahat ng oras tumatalak yung bunganga ko" sabi ko sakanya.
Tae ano bang inaarte mo jan, Andrea? Jowa ka teh?
Pero kasi kilala ko 'to si Sunghoon eh, kada may nangyayari sakanya kinukwento niya agad sa akin. Kulang nalang maging TMI siya.
"tumata- ano?"
"tumatalak. Di sa lahat ng oras maingay ako" sabi ko.
Di siya sumagot kaya tumingin siya, naniningkit ang mga mata niya sa akin na para bang binabasa niya ako.
"eh?"
"galit ka" he sighed.
"di ako galit. Wala lang ako sa mood" sabi ko nalang sakanya.
He sighed heavily.
"gusto mo uwi na tayo? Baka pagod ka kasi eh" sabi niya.
"no. May paguusapan tayo diba?"
Natigilan siya. So nakalimutan niya? Kala niya simpleng breakfast lang 'to? Di ko tuloy maiwasang magisip.
Wow may isip ka? JOKE.
By the way ayun nga, di ko mapigilang magisip na parang may kinalaman' to sa career niya dati bago siya naging idol.
Pumasok kami sa CakeLand, parang cafe din pero puro pancakes lang yung tinda. Unlike cafe, may mga iba't ibang flavor ng cakes.
Naghanap ako ng mauupuan namin ni Sunghoon pagkatapos kong sabihin sakanya ang order ko.
Pagkatapos non umupo na siya sa tabi ko.
"ano yung paguusapan natin?" tanong ko.
He chuckled, "excited? Kain muna tayo"
"hindi. Sabihin mo na, medyo may clue na ako sa sasabihin mo eh pero gusto kong maclarify. Kagabi may tumawag sayo, Coach yung name ng caller but of course di ko sinagot" sabi ko, "it's your privacy"
Nakatingin lang siya sa' kin na para bang sinasabi niya na tama ang hinala ko.
Di nga ako nagkakamali.
"last week pa nagsimula practice namin" yumuko siya.
I knew it! Pero bakit di ako natutuwa? I should be happy for him!
Pero hindi.. Naalala ko dati masyado siyang nagfocus sa pagsskating niya at nawawalan na kami ng oras para magbonding dahil puro sila practice.
Mahigpit kasi yung coach nila at naiintindihan ko yon. Pero nung birthday ko..
Di na ako nagrequest ng magarbong party kay appa kahit yun yung gusto ni mama para sa akin pero hindi....
Pinili ko ang simpleng dinner kasama ang bestfriend ko, si Sunghoon. Sabi niya hahabol siya pero di na nakaabot kasi inabot sila ng madaling araw sa practice.
Again, I understand. Lagi akong nasa competition niya para suportahan siya. Alam kong nagtutunog akong demanding pero di ko mapigilan.
Dun ko rin naging kaclose si Angela, siya unang naging kaibigan ko. Sabi ni appa dapat sanayin ko daw na hindi lang si Sunghoon ang kaibigan sa school.
"bakit ngayon mo lang sinabi?" I asked.
"baka kasi magalit ka"
"wala naman akong magagawa sus. I mean, desisyon mo yan" I smiled, "susuportahan naman kita alam mo yan"
Ngumiti siya sa 'kin.
"gusto mo bang sumama sa' kin bukas sa practice?"
"sige!"
__
BINABASA MO ANG
Label | Sunghoon
Short Story[[COMPLETED]] "so, anong label nyo?" "More Than Friends, But Not Less Than Lovers" ✎ date started | 02 : 10 : 21 ✎ date ended | 06 : 15 : 21 ❀ Enhypen series #2 ❀