Sunghoon's
"hoy san ka pupunta, Sunghoon?"
Nilingon ko yung leader namin sa group activity. Sayang amp, malapit na ako makalabas eh.
Gusto kong makasabay si Andrea sa canteen, kaso lang napagusapan na nila na recess namin tatapusin yung activity.
Ako lang yung may ayaw na recess gawin kaya malamang talo ako. Majority yung recess gagawin eh.
"Sunghoon, jowa mo tawag ka"
Ga- di ko jowa yan.
"mama mo, jowa. Napakaepal mo, Khian" sabi ni Andrea sa kaklase ko.
Kahit kailan talaga 'to.
Inabot niya sa' kin yung pagkaing sinasabi niyang binili niya.
"eat well" sabi niya at umupo sa tabi ko habang tinitingnan yung gawa namin.
"tapos na kayo dito?" tanong ko.
Umiling siya, "mamaya pa namin tatapusin"
"kaya dito ka nanggugulo?"
Sabay kaming lumingon sa nagsabi non, si Alexa, kagrupo ko. Naalala ko dati siya yung nagconfess sa 'kin sa locker, di ko nga alam kung bakit nakapasok yun don eh bawal babae don sa boys locker room.
Pero kasi napaka isip bata niya, war freak pa kaya ayoko. Tas kay Andrea na siya nagagalit, she thinks that Andrea is the reason why I rejected her.
"hindi. May ginawa na ba ako?" sabi ni Andrea sakanya, tinapik siya ni Christienne sa balikat.
"duh.. Kita mong may ginagawa si Sunghoon, pahatid hatid ka pa ng pagkain psh" Alexa said, "landi eh".
"uh huh? I'm just bringing food for my friend, kid"
Pfft- gagi ka Andrea.
"kid?! How dare you!"
"kaedad mo lang yan, Andrea" sabat ni Angela.
"I know. Sa isip lang kami hindi magkaedad. Kita nalang tayo mamayang uwian, Sunghoon" tinapik niya yung balikat ko.
Tsaka siya tumingin kay Alexa, "see you around, kiddo" she winked.
Nakaalis na sila kaya naman nagsisimula nang magrant si Alexa.
"kiddo? What the fvck?! So immature pwe" sabi niya.
"alam nyo ba? Pag nakikita niya ako iniirapan niya ako! Tas biglang bubulong sa mga kaibigan niya. Oh yeah, her friends, sunod sunodan sakanya" sabi pa niya kaya sinamaan ko na siya ng tingin.
"totoo yon, Sunghoon! Lagi niya akong iniirapan"
Ano ba siya? Elem? Mali mali pa mga sinusumbong niya tsk.
Sa inis ko, binigay ko sa leader namin yung part ko sa activity, kanina ko pa tapos yun pero dahil sabi ni Andrea na wag na akong tumakas, di na ako umalis. Hihintayin ko nalang sana na matapos sila.
"here. Tapos ko na yan, chat mo nalang ako pag may kulang pa or may gusto ka pa ipagawa sa 'kin" sabi ko.
"totoo naman talaga yung sinasabi ko" bulong ni Alexa.
"look" tumingin siya, "I will never believe your story, I know my friend at di niya gagawin sayo yon, hmm? Baka ikaw pa ang gumagawa niyan. Binabaliktad mo"
Lumabas ako at naabutan sina Niki sa labas nagaasaran.
"may nangyari! HAHAHAHAHAHA yieeee" sabi ni Jay hyung sa' kin.
"nyare?"
"kasi nagzoom meeting yung mga ssg officers tas... "
__
oops hehe.
BINABASA MO ANG
Label | Sunghoon
Short Story[[COMPLETED]] "so, anong label nyo?" "More Than Friends, But Not Less Than Lovers" ✎ date started | 02 : 10 : 21 ✎ date ended | 06 : 15 : 21 ❀ Enhypen series #2 ❀