03

636 16 7
                                    

Althea's

Nakaupo kami ni Sunghoon ngayon dito sa bench, lunch time na at wala pa rin sila Jungwon.

"anong oras na, nagugutom na ako" sabi ko kay Sunghoon.

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"baka madaming pinapagawa. Grabe yung prof namin kanina, pinaglinis lang kami? Sa gwapo kong 'to pinaglinis lang ako" pagkekwento niya.

"tange. Buti nga sainyo linis lang eh, kami nga 50 items na quiz kanina kay Ms. Hwang, kagigil"

Tumawa siya at di pa rin umaayos ng upo. May mga ibang student na napapalingon sa amin, kala siguro PDA kami tsk.

Ilang beses na kaming naissuehan na magjowa pero di naman namin pinapansin yon, nawawala rin naman yung mga ganong klaseng issue.

Ano kami? Tanga? Sisirain namin friendship namin dahil sa issue na yon tsk.

These people... Walang ibang ginawa kundi gumawa ng issue, kailan ba manonormalize yung pagkakaibigan ng babae at lalake?

"sorry ngayon lang" lumapit sa amin sina Jungwon. Kasama niya sina Niki, Sunoo, at Jay.

"saan si Jake at Heesung hyung?" tanong ni Sunghoon.

"si Heesung hyung nasa faculty, nagpapasa ng paperworks. Si Jake hyung naman, kasama si Julia noona" si Niki ang sumagot.

"ah una na tayo. Nagugutom na 'tong si Andrea"

Tumango sila bilang pagsangayon.

Nakilala namin sina Sunoo nung tumungtong kami ng highschool ni Sunghoon.

Naging magkagrupo kami non ni Jungwon, Jake, ako, at Sunghoon sa isang activity, samantalang kaibigan naman nila sina Niki kaya kami naging magkakaibigan.

Meron din akong mga kaibigan na babae. Nakilala ko naman sila sa isang event. Sina Angela at Christienne.

May iba pa akong mga kaibigan sa ibang sections, sina Kate, Julia, Faith, at Danica.

Flex ko lang friends ko, minsan lang ako magkaganiyan HAHA JOKE.

Natutuwa kasi ako na habang tumatagal ako dito sa Korea, nagkakaroon ako ng mga kaibigan na kahit papaano, magpapalimot sa pinoproblema ko sa pamilya ko.

"uy tulala! Ano kamo gusto mong kainin?" napabalikwas ko sa sigaw ni Sunghoon sa akin.

Nandito na pala kami sa canteen.

"naghanap na sina Niki ng table, kasama na nila sila Christienne. Ano bang gusto mo?" he asked.

Chicken curry nalang ang tinuro ko at mango shake.

Paglapit ko sa table, nandon na nga silang lahat. Maliban kay Kate.

"Kate?" tanong ko.

"kasama si Niki, may meeting lang sila sandali para sa debate na magaganap" Faith said.

Nagusap usap pa sila about sa school thing, ako naman tahimik lang na kumakain.

"ok ka lang ba?" bulong ni Sunghoon.

"wala lang ako sa mood" sagot ko.

Tumango nalang siya at di na umimik. Alam na niya na kapag ganito akong wala sa mood, ayoko sa makulit at maingay.

"hatid na kita" sabi niya pagkatapos naming kumain.

Habang naglalakad kami, nakasunod sina Sunoo at Jay sa amin, naghaharutan pa.

Nabangga nila ako.

"aish" singhal ko.

"oops bad mood siya hehe, bad mood ka ha? 1 plus 1?" pangaasar pa lalo sa 'kin ni Jay.

Tumawa naman' tong dalawa! Aba napaka!

Binilisan ko nga lakad ko at iniwan sila.

Mamaya ako babawi sainyo!

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon