25

251 10 2
                                    

Andrea's

sunghoon keneme calling..

"oh?"

"tapos na kami, nasaan ba kayo ngayon?" he asked.

Tinignan ko yung oras at 10 pm na ng gabi, grabe naman pala yu g practice na ginagawa nila parang ako din nahihirapan eh.

"dito kami sa mall, katabi niyang pinagpractice'an nyo. Nagkakaraoke kami sa second floor" sagot ko sakanya.

"magdadala akong food ah?"

"sige lang" sabi ko.

"galit ka?"

"huh? Hindi"

Hindi ako galit! Bakit ba ganon ang iniisip nila? Jusko naman.

"bakit ka umalis agad?" halatang malungkot na sabi niya.

"gusto ko din naman kasama sina Jay, nagugutom na daw sila eh"

"makakakain naman sila na wala ka"

"alam mo? Pumunta ka nalang dito please, I know you're tired kaya wag ka na makipagtalo"

I heard Shai calling him kaya lalo akong napasimangot! Pinatay ko na yung tawag, pumunta siya kung gusto niya.

"selos"

Napalingon ako sa nagsalita, si Jay.

"hindi!"

He chuckled, "kinuwento sa amin ni Sunghoon yung about sa perfprmance nila kuno. At nabanggit niya din na may kapartner nga daw siya, babae" pagkekwento niya.

See? Kahit si Shai pinapakilala niya sa mga kaibigan niya! Tsaka bakit di niya sinabi sa akin agad?

"wag ka sana magalit sakanya, Andrea. Natakot lang siguro magsabi sayo yun kasi baka magselos ka daw"

"oh?!"

"hindi nga siya nagkakamali, nagseselos ka nga" he laughed.

"tanga mo, hindi nga! Nakakainis lang di siya nagkwento"

"ows? Goods naman kayo nung nagsabi siya about sa practice niya pero ngayon naiinis ka na. Di mo nagustuhan nakita mo?"

"hindi!" tinulak ko siya.

"aminin mo na kasi! Putek kayong dalawa, ang pabebe nyo!"

"hoy ano bang sinasabi mo?! Ang issue mo ah"

"YIEEEEEEEEEE" natigilan kami ni Jay sa sigawan nila.

"may nangyayari na di tayo makarelate hmmm" - Kate.

"nahuhuli na ba ako?!" - Faith.

"di na nagkekwento ha Jay hyung!" - Niki.

Putek kayo!

"aba- hindi ganon yon hoy ang issue nyo!"

Nagsigawan pa sila at natigil din nang bumukas yung pinto, iniluwa non si Sunghoon.

"anong nangyayari?" he asked.

Nagtaas ng kamay si Niki na kala mo may recitation, please lang.. Nasosobrahan sa pagaaral ang batang ito.

"si Jay hyung at Andrea noona kase-!"

"wala yon! Hoy manahimik nga kayo!" sabi ko sakanila.

Nangaasar pa rin yung iba at yung iba naman bumalik sa pagkakanta.

Napaggigitnaan ako ni Sunghoon at Jay, ganda lang- joke lang oy.

Pero legit maganda ako.

Tahimik akong pumapapak ng manok dito ganon din yung dalawa. Minsan kakausapin ako ni Jay tas minsan si Sunghoon pero tinatanguan ko lang siya.

Nakakatampo talaga siya.

"may hindi ako alam" sabi ni Sunghoon bigla.

"a-ano?"

"galit ka eh"

"hindi" kumunot noo ko sakanya.

"magusap nalang tayo bukas. Mainit pa ulo mo" he nodded.

Jusko ang kulet!

__

Ang kulet ni Andrea pero mas makulit ako, gets? HAHAHAHAHAHA ang tipid magud sobrang busy kasi.

Stay safe everyone skrt skrt.

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon