50

220 7 0
                                    

Sunghoon's

"saan ka, hyung?"

Tumingin ako kay Niki nhabang inaayos yung buhok ko. Halatang kakagising lang niya.

Ako palang kasi yung gising sa amin.

"magaalmusal kami ni Andrea sa labas" sagot ko.

"date?"

"hmmm di naman. Gusto ko lang yayaing magalmusal" sagot ko.

Nakatingin lang siya sa akin, parang may sasabihin pa.

"bawal sumama?" he asked.

"hindi naman. Gudto mo ba sumama?" tanong ko.

Mabilis siyang tumango at nagpaalam na magbibihis na muna. Napailing nalang ako.

Calling Andrea...

"oy?"

"may kasama ako, ok lang?"

"sige. Sila bang lahat?"

"si Niki lang. Tulog pa yung iba eh, napuyat ata kagabi. Nanood silang movie eh"

"ay sige sige"

"pwede ka din magaya ng kaibigan mo. Si Kate?"

Narinig ko siyang tumawa, "may plano ka noh? Ikaw ha! Kupido ka na ngayon?"

"nagssuggest lang tange"

"sige sige. Papunta na ba kayo?"

"nagbibihis pa si Niki eh pero hintayin mo nalang kami jan. Ok lang kung magsasama ka" sabi ko.

"sige. See you"

"mm see you"

Call Ended.

Saktong pumasok si Niki na naka tshirt na puti at black sweatpants.

"tara na? Susunduin pa si Andrea noona diba? Talagang ok lang ba na sumama ako?"

"oo nga. Tinawagan ko siya, sinabi ko na sasama ka" sagot ko.

Lumabas na kami para makapagtaxi papunta kay Andrea. Di ko alam kung talagang magsasama siya ng kaibigan niya.

Pagpunta ay nagpapatuyo pa soya ng buhok kaya pinapasok niya kami sa loob.

"sorry! Mabilis lang 'to, promise" tinuloy niyq yung pagpapatuyo ng buhok.

"oy sis anong emergency ba?! Punyeta pinagbihis mo pa ako, anong nangyayari sayo-!"

Nagulat kami sa malakas na pagbukas ng pinto at sa sigaw ni Kate.

"hi! Bakit kayo nandito?" she asked.

"may breakfast date kaming tatlo" I smiled.

"ay wag kang ngumiti jan, ang gwapo mo. Charot. Si Andrea ba? Tumawag sa akin may emergency daw amputek"

At saktong lumabas si Andrea.

"sis, ang ingay ingay mo baka mareklamo ako" napailing ito.

"anong emergency mo ba? Dali at uuwi na ako" parang nahihiyang sabi niya.

"sus! Eh nakabihis ka na nga. Sumama ka sa amin!"

"huh? Ayoko! Gagawin nyo pa akong thirdwheel"

Natawa kami ni Andrea. Halata kasing nahihiya siya. Si Kate? Di naman mahiyain yan, ngayon lang kaya nakakatuwa.

"tsk. Kaya nga sinama si Niki para di ka mabored"

"eh b-bakit ako yung niyaya mo? Si Christienne? Angela?"

"bakt hindi ikaw?" Andrea smirked.

"eh-"

"hyung, gutom na ako" sabat ni Niki.

"sis, di bagay sayo mahiya kaya tara na"

Wala na ngang nagawa si Kate dahil hinila na siya ni Andrea. Tinanong ko sila kung pancake house o cafe nalang pero biglang nagcrave si Andrea sa pancake kaya dun kami pumunta.

"may bibilhin pala akong damit mamaya, hyung" sabi ni Niki.

"may library sa tabu ng mall na 'to. Punta tayo, Sunghoon?" sabi ni Andrea.

"di ba natin sasamahan si Niki?" tanong ko.

Napatigil kami at ngumiti tsaka sabay na lumingon kay Kate na kumakain ng pancake.

"ikaw, Kate? May plano ka bang bilhin?" I asked.

Umiling siya, "wala"

"then samahan mo si Niki" - Andrea.

"eh?! Malaki na yan oy"

"wag ka na mahiya wushu eh diba umamin-"

"sige sige" pinigilan na siya ni Kate.

At yun na nga ang nangyari. Pumunta kami ni Andrea sa library na sinasabi niya.

"bakit di ka nalang bumili?" tanong ko.

Sa library kasi na yon, hihiramin mo lang yung libro.

"mas gusto ko yung ganito na pupunta lang ako sa library. Ang cute lang, ang cool" she explained.

Pagpasok namin ay dumiretso kami sa shelf na puro romance book. Hinintay ko lang siyang mamili don.

"ok na" tinapik niya yung balikat ko.

"kaya mong tapusin yang tatlo?" tanong ko.

"oo. Isang linggo naman sa akin 'to" sabi niya, tumango nalang ako.

Pumunta na kami sa kung saan magpapalista ng libro. Pareho kaming nagulat sa taong nagbabantay ng library.

"Christienne!" sigaw ni Andrea.

"bawal sumigaw" saway niya.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ni Andrea.

Nagusap muna sila sandali tsaka naisipang umuwi na.

"sina Niki?" tanong ko.

"tumawag si Kate, di pa sila tapos. Dun ka maglunch sa bahay ko ah? Pagluluto kita" she smiled.

"sige"

"thank you"

"bakit?"

"walang lang. Thank you lang"

"welcome" ngumiti ako.

__

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon