18

300 9 2
                                    

Andrea's

Ano nga bang nangyari sa buong ara ko dito sa school na wala si Sunghoon?

Boring.

Pero nawala din yon nang nagyaya sina Jungwon na kumain sa samgyupsal'an malapit dito sa univ.

Buti nalang konti lang yung kumakain sa ganitong oras kasi sobrang ingay nila. Kasama din sina Kate, Faith, Danica, at Julia.

"oy kumain muna kayo" saway ni Faith sa amin.

"nanahimik si Kate, nakakapanibago tuloy" sabi naman ni Angela.

Gulat kaming lumingon kay Kate dahil nabulunan siya, inabutan ko siya ng tubig since nasa harapan ko siya.

"ok ka lang?" Niki asked.

Naghiyawan yung mga lalaki, parang may joke sila na sila lang ang nagkakaintindihan.

"oo, pres" Kate said without looking at him.

Sobrang saya ko dahil dumadami ang cirlce of friends ko. Di gaya dati na talagang pipilitin ko pa si Sunghoon na pumasok kahit masama ang pakiramdam niya para lang malibang ako.

Napaka selfish ko don, I know.

Lagi ko siyang kasama at sobrang clingy namin... As a friend.

Lagi din siyang nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta, gusto sana ako ipa all girls school ni mama pero si appa naman ayaw.

Sobrang strict kasi ni mama eh.

"una na kami ah?" paalam ng iba sa amin. Hanggang sa lima nalang kami nila Christienne, Angela, Danica, at Faith.

"ikaw, Andrea? Medyo malayo kami sayo eh, ok lang ba or hatid ka na namin?" Danica asked.

"hala hindi na. Ok lang, di pa naman nalalim yung gabi" sabi ko.

Ako kasi pinakamalayo ang bahay dito eh, yun nalang kasi yung bakante na condo. Yung iba puno na kasi nga malapit lang sa school.

"ok lang nga" sabi ko kasi parang gusto pa nila akong ihatid, "sabay sabay nalang tayong pumara ng taxi"

"no need. Ayan na sundo ko" may tinuro si Christienne sa likod ko.

"tapos na kayo kumain?" tanong ni Sunghoon sa amin.

Kala ko ba busy siya?

"tinawagan niya kasi ako, tas sabi ko na baka wala kang kasabay since wala siya kaya ayan susunduin ka" sabi ni Christienne.

Nagpaalam na kami bago kami sumakay sa taxi para makauwi.

"kala ko ba sa dorm ka matutulog?" I asked.

"hindi na. Dun nalang ako sa condo matutulog tsaka magdidinner" sagot niya.

"bakit di ka pa kumakain? Ubos na ba stock nyo sa dorm?" then bigla kong naalala yung mcdo na binili ko para sakanya. Nasa ref pa yun.

"sa bahay ko nalang ikaw magdinner" sabi ko sakanya.

Alanganing lumingon siya, sige, diet din kasi ako eh" sabi niya.

Diet? Kala ko ba tapos na yung ganon nila? I mean jusko naman, ok na yung katawan nila. Baka naman sumobra sila sa diet, hindi na healthy yon.

Pagkauwi namin nagbihis pa muna ako, si Sunghoon naman ay nanonood sa sala.

Dumiretso ako sa kusina para initin yung binili ko para sakanya na mcdo. Kala ko ako pa ang kakain non.

Pagkainit ay inabot ko na sakanya yon. Pero nakatulog pala siya. I heard his phone ringing.

Kinuha ko yon at tiningnan kung sino yung caller, ako na sana ang sasagot kung isa man sa enhypen ang tumawag pero hindi.

Coach calling...

Sinong coach?

__

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon