53

313 11 2
                                    

Kate's

*beep*

Mrs. Hwang sent you a Zoom Meeting Link. Topic: Officers meeting about the foundation week and ball.

I sighed heavily.

Sabado ngayon! Weekend! Bawal ba magpahinga? Pwede namang isingit yan kahapon, maaga naman kaming pinauwi.

Maka eksena lang talaga 'tong si maam grrr.

Tumayo ako at inayos yung laptop ko. Nandito ako ngayon sa bahay at balak na sanang matulog kung di lang nagnotif yung message ni maam.

Sana pala natulog na ako kanina pa di ko na nakita.

Pero baka din importante eh.

Pagkatapos ayusin ang laptop sa coffee table ko ay nagpalit ako ng damit. Siyempre kasama si crush di naman pwedeng nakapanjama ako.

Bet ko sana mag wedding gown. Charot.

"hays abala naman putek" pinindot ko yung link na sinend ni maam.

"good afternoon, Ms. Choi" Mrs Hwang greeted me.

Ako pa nga ang nauna. Ako yung tinatamaf umattend, pero nauna. Haha clown.

Sunod sunod na pumasok yung ibang officers, kasama na si Niki.

Naka simpleng black tshirt lang ito at nasa kwarto ang background.

"ok so I think we're complete? Let's start?" sabay sabay kaming nag 'yes maam'.

Pinaguusapan namin yung mga program na gaganapin sa foundation week. Favortie part ng mga estudyante ng univ dahil talaga namang bongga kapag pinagdiriwang 'to.

Madaming program, no classes, booths, food court, games, at madami pang iba.

"what can you say about the program, Mr. President?" tinawag niya si Niki.

Di ko mapigilang di ngumiti nang magsimula siyang sabihin yung mga idea o masasabi niya about sa program.

"grabe ang lalim ng boses" sabi ko, "kaya crush kita eh"

"Ms. Secretary?"

Napabalikwas ako at iuunmute na sana yung mic ko.

Pero...

Putangina.

Isa pa....

Putangina.

Kanina pa ba naka unmute 'to?! Ang tanga tanga!

Narinig ko pang tumawa si Wonyoung at yu g ibang officer kaya sa sobrang hiya at nagsorry ako tsaka nagleave.

Di ko na pinatay yung laptop at tumakbo sa kwarto at dun minura ang sarili.

Napaka bobo!

Argh! Hinampas hampas ko yung unan sa ulo ko. Paniguradong aasarin nila ako.

Jungwon'panget Calling...

"ano-"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Fvck! Eto na nga ba sinasabi ko eh! Nasaan na ba yung kapal ng mukha ko? Bakit nawala naman ata!

Sobrang confident pa ako na crush ko siya eh ano naman kung nasabi ko?

Nahihiya ako!

"ang katangahan ni Kate, bow" sabi niya sabay tawa ng malakas.

"tigilan mo ako, Yang Jungwon" banta ko.

Tumawa pa ulit siya. Narinig ko yung footsteps niya mukhang may pupuntahan siya.

"maknae, anong masasabi mo sa confession ng kaibigan ko?" tanong niya.

"tss" narinig kong singhal niya.

"hala hala! Kunware masungit yan oh! Kinilig ka ba?" tanong pa ni Jungwon. Parang ayoko na marinig yung susunod na sasabihin ni Niki.

"hindi" sagot niya.

"pero tingin mo pwede kayo? Umaasa 'tong kaibigan ko oh" tumawa pa yung demonyo kong kaibigan.

"hindi" sagot it niya, talagang di manlang ni sugar coat! Napaka prangka

"gago!" sigaw ko at pinatay yung tawag!

Anong hindi?! Hindi pwede tayo? Aba napaka choosy mo naman, Niki!

Iipunin ko lang 'tong mukha ko hanggang sa kumapal ulit, yari ka sa' kin.

I will chase you so brace yourself!

__

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon