41

237 8 0
                                    

Andrea's

"pupunta ka pa ba?"

Nung isang araw si Christienne, ngayon sina Jay at Sunoo naman. Putaena patahimikin naman ako jusko.

Kung di lang mga gwapo di ko papapasukin eh hehe joke.

"anong oras ba yun?" tanong ko.

Ngayon kaso yung performance ni Sunghoon. Bukas naman ang ball, pati ang birthday ko. Share ko lang kasi may handa ako charot.

"3 pm. Punta ka na para magkaayos na din kayo, ilang araw na siyang wala sa ulirat lutang pa minsan"

Naaapektuhan sila.

"sorry" yumuko ako.

"di ka namin giniguilt trip, noona" Sunoo said, "pero kasi concern kami sainyo"

"try ko pumunta" sagot ko nalang sakanila.

Pinakain ko silang dalawa dito ng lunch dahil yun naman daw ang main reason nila bakit sila nandito tsk.

Nabanggit nila na pati ang mga kaibigan ko ay manonood, well napagusapan nga nila sa gc yon.

Kung sakanilang di ako pumunta at manood ay ako lang ang kulang don.

"wag kang matakot sa kung anong sasabihin niya. Di ka naman kakainin ng feelings niya o ng sasabihin niya" yun ang huling sinabi sa akin ni Jay bago sila umalis.

--

Humiga ako sa loob ng kwarto ko. Time check, it's 1:50 pm at nakatulala pa rin ako sa kisame. Tumawag si Jay na paalis na daw silang lahat, kasabay ang mga kaibigan ko.

Tumingin ako sa damit na hinanda ko kanina at nagisip kung pupunta pa ba ako.

--

2:45 pm

Tinatawagan na ako ng mga kaibigan ko at tinatanong kung nasaan na daw ako. Hanggang ngayon ay nakahiga pa din ako sa kama.

Aish di ko matiis ano ba yan.

Napaka rupok mo talaga, Andrea. Ilag nalang kayo ha.

Mabilisan akong naligo at di na masyadong nakapagayos. Nakita ko sa ig story ni Jungwon na nagsstart na sila kaya lalo akong nataranta.

Chineck ko muna yung bahay kung may nakalimutan pa ba ako bago ako lumabas at..

"ay gago!" sigaw ko sa gulat.

Anong ginagawa ni Jay dito?!

Tumayo siya at nagpagpag ng sarili dahil nakaupo siya sa tabi ng pintuan ko. Anong trip yan?!

"panget ng trip mo oy anong ginagawa mo jan?" I asked.

"hinihintay ka. Tagal mo magisip ah. Tara" sabi niya kaya sumunod nalang ako.

"anong oras ka pa nasa labas?"

"12 pm" he shrugged. Parang di big deal sakanya.

"huh?! Eh bakit di ka pa kumatok?"

"eh kasi baka lalong ayaw mo sumama. Tsaka pinagisip pa muna kita kailangan mo yon haha"

Sumakay kami sa taxi. Nagsisimula na daw yung performance nila pero si Shai palang pinapakita.

"grabe ganito pala pag di na bata eh" biglang sbai ni Jay.

Anong drama neto?

"sa multo kalang natatakot noon, pero ngayon sa commitment na"

Putek teka lang di ako nakailag.

"anong pinagsasabi mo?" tanong ko.

Pero di niya ako pinansin kaya di na ako nagsalita. Ano bang problema niya?

Takot nga lang ba ako mag commit o alam ko naman na sa palang magkaibigan lang talaga maituturing niya sa'kin.

__

Ako takot ako sa nanay ko, pare skl ki lang.

Sabi ko april dapat tapos ko na 'to haha #scamsialthea.

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon