30

242 8 2
                                    

Andrea's

"aksayado ka sa oras jusko ka" sermon ko kay Jay. Gets naman pala niya.

"sorry, master" he laughed.

Nakakainis kasi! Nasayang yung oras ko tapos nangtitrip lang pala siya. Ok din naman kasi nalibre pa ako ng recess, nagkwentuhan pa kami.

Napailing nalang ako sakanya at nagsimulang maglakad pabalik sa room. May 10 minutes pa bago magsimula ang next class namin.

Pagakyat sa floor namin ay nagkalat ang mga students sa hallway, nakatambay. Diba dapat ay nasa room na silang lahat?

"Andrea! Walang mga prof ngayon dahil deliberation ng grades! Grabe buti nalang, wala kasi akong gawa" bungad ni Angela.

Lumapit si Sunghoon sa amin. "tara sa tambayan" tumango ako at kumuha muna ng tubig sa bag.

"kamusta na pala practice mo? Kailan ba yon? Manonood ako ha" sabi ko.

"sa july 3 pa" sabi niya.

"oh? Birthday ko yun ah! Talagang pupunta ako, sasama ko sila Kate" sabi ko.

"sagot ko na tickets nyo" sabi niya.

Tahimik kaming naglakad papunta sa tambayan namin, which is sa likod ng canteen. Dito na kami tumatambay since elem kami, sobrang presko kasi ng hangin.

"bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?" I askes. Umupo kami sa lumang bench na nandito.

"Shai..." he said.

Anong meron? Anong Shai ba? Pabitin 'tong Sunghoon nyo ah!

"anong meron?"

He sighed heavily, "nagconfess siya sa akin last day. She likes me"

Di na ako nagulat. Well halata naman, di mo maiiwasan magkagusto sakanya pag nakilala mo na siya. I understand her dahil nangyari na sa akin yan.

I used to like him.

Dati yon, pero hindi na ngayon. Balak ko rin magconfess sakanya pero nauna siya. Di ako nagalit, di ko lang siya pinansin kasi kailangan kong magisip.

Baka hanggang best friends lang kami. Yung closeness namin baka pang friends lang. I'm so scared to commit, I'm so scared to lose our friendship.

Siya lang yung taong laging nanjan mula ng tumira ako dito sa korea, he understands me kahit medyo nahihirapan pa akong mag adopt ng kultura dito, he helped me.

At ayokong mawala yon kung sakaling  maging kami o umamin ako.

So I stopped myself.

"uy ayos ka lang?" napabalikwas ako.

"oo" ani ko.

"sabi ko di ko, sinabi ko sakanya na kaibigan lang kami perp di siya nagsalita. Umalis bigla eh"

See? One of the reason bakit di ako umamin ay takot akong mareject. Wala pa akong nagiging boyfriend pero may mga naging crush na ako.

Lahat yon nireject ako, sinong di matatrauma? Uso kasi crushback mga jusko.

"hayaan mo na" yun nalang ang naisagot ko sakanya.

"tara balik na tayo" tumango ako.

__

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon