Andrea's
Naiinip na ako. Patingin tingin sa gawi ko si Sunghoon tsaka ngingiti pero tinitingnan ko lang siya.
Ang liit na bagay pero nakakatampo talaga.
Nagpromise kami na walang mauuna kasi nga sabay dapat kami manonood non tas malalaman kong nauna na siya.
Napabalikwas ako nang tumunog yung phone ko.
Jay panget calling...
"andito na kami"
"ang bilis?!"
"advance kami magisip, tsaka nakabihis na sila kasi nangangamoy gala daw"
"hoy baka kayo ang mangamoy sa mall, di pa ata naligo yung iba sainyo jusko"
"tama na sermon, mama. Naligo kami wag kang magalala pero nagugutom na kami"
"papunta na ako mga anak" I laughed, talagang kinareer yung 'mama' thing nila.
Call Ended.
Di ko pa nababalik yung phone sa bag ko ay may tumawag ulit. Sa akin, si Angela naman.
"bakit?"
"pinapasabi nila na nandito kami sa EM ngayon dito ka dumiretso ah"
EM.
What a coincident. Yung EM ay yung mall na katabi nito kung nasaan kami, saktong nandon din yung boysmas marami mas masaya.
Umoo ako kay Angela at pinatay ang tawag. Break ulit nila Sunghoon kaya agad siyang lumapit sa akin at siyempre... Buntot buntot nanaman niya si Shai.
"aalis ako" bungad ko sakanya.
"huh?!"
"aalis ako. Nagchat si Jay naboboring daw sila sa dorm kaya niyaya ko sila"
"bakit hindi dito?" he asked.
"baka daw bawal" sagot ko.
"pwede naman. Paalam ko kay coach-"
"baka pagalitan tayo" singit ni Shai.
I tapped Sunghoon's shoulder, "sunod ka nalang after practice" sabi ko at kinuha ang bag ko.
Pagpunta ko, nandon nga sila sa isang resturant at di pa kumakain pero may pagkain sa lamesa.
"di pa kayo kumakain?" tanong ko pagkaupo sa tabi ni Heesung.
"hinihintay ka namin"
Nagsimula na kaming kumain, naikwento ko sakanila na magkakaraoke sina Kate at niyaya silang sumama.
Di namam siguro masama kung magaaya ako, pero kung di sila kumportable sa ibang room nalang yung boys.
"si Sunghoon?" Jay asked.
"di pa tapos"
"magkaaway ba kayo?" tanong naman ni Jake.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"parang lang"
"hindi ah. Kain lang kayo" sabi ko.
Kakapadala pa lang sa 'kin ni appa ng allowance ko kaya libre ko sana sila. Kaso wag na daw.
Pagkatapos naming kumain, sinama ko na sila sa karaoke. It' s already 7 pm in the evening at sabi ni Angela sa akin nakapagdinner na sila.
Pinindot ko yung parang door bell.
"hi!- omg, Andrea!" sigaw ni Kate sa akin habang hawak ang mic.
Nakatulala siya sa mga lalaking nasa likod ko. Sumunod yung iba at pare pareho sila ng reaksiyon.
"uh.. Ok lang ba sainyong dito sila? Niyaya ko kasi sila dito kasi sinama nila akong magdinner" sabi ko.
"ok lang" Christienne answered.
"sure ba kayo? Ok lang naman, sa kabilang room nalang sila-"
"pasok na kayo dali" sabi ni Faith kaya pumasok kaming lahat.
"si Sunghoon?" tanong sa akin ni Christienne pagkaupo ko sa tabi niya.
"practice pa"
"magkaaway ba kayo?"
Paano ba nila nasasabi?!
"hindi"
"ok sabi mo"
Kainis!
__
Sorry ngayon lang nakapag ud huhu
BINABASA MO ANG
Label | Sunghoon
Short Story[[COMPLETED]] "so, anong label nyo?" "More Than Friends, But Not Less Than Lovers" ✎ date started | 02 : 10 : 21 ✎ date ended | 06 : 15 : 21 ❀ Enhypen series #2 ❀