13

311 14 7
                                    

Andrea's

"tara laro, truth or dare" aya ni Sunoo sa amin.

I smirked, bagong bago yung larong yan ah? Hmmm paano ba yan?

"pero truth lang" pahabol niya.

"edi sana truth lang sinabi mo. Bakit may dare pa? Ewan ko sayo" sabi ni Jay.

"edi tara na nga, laro tayo" tinaas niya yung bote ng softdrinks na pinaginuman kanina.

"para may twist. Kung sino yung matatapatan ng bote, siya magtatanong tas the rest yung sasagot ng tanong niya" paliwanag ni Sunoo.

"jusko saan mo ba natututunan yang mga laro, baka ma hot seat ako" sabi ko pa.

Bumilog kami sa carpet at si Sunoo na rin ang nagpaikot since siya naman daw yung nagayang maglaro.

Unang ikot, kay Heesung tumapat.

"pinaka ayaw nyo sa isang tao"

Sumagot silang lahat at ako ang nahuli.

"ayoko? Uhmm ano ba? Ayoko lang sa sobrang competitive na tao and sobrang insensitive" sagot ko sakanila.

Nagpatuloy kami sa pagtanong hanggang sa napagdesisyunan namin na last nang ikot yon at kay Jake tumapat.

"ano ang pinakamalaking away nyo ng bestfriend niyo?" tanong niya.

Ako ang unang sumagot.

"kami ni Sunghoon? Ang pinakamalaking away namin non ay nung first year kami" sabi ko.

"ay nagaway na kayo? Di halata, bakit?" tanong ni Heesung.

Lahat sila nakatingin sa 'kim at hinihintay ang sasabihin ko.

"nagulat kasi ako nung valentines day, binigyan niya ako ng flowers non I mean kala ko trip niya lang ganon kasi kada valentines binibigyan talaga ako niyan"

Sabay sabay naman silang lumingon kay Sunghoon. Gulat na gulat mga pre.

"sana all!" sigaw nila.

"tuloy mo dali" si Niki, interesado sa 'kin- este sa kinukwento ko.

Oh joke lang nga eh.

"tas pauwi na kami non pero nagaya pa siya sa star cafe, yung malapit sa school. Kala ko naman kakain lang kami.." tumigil ako.

"oh tapos? Ay ano ba yan pabitin eh! Abangan ba bukas?" sabi ni Jungwon na seryosong nakikinig.

Aba teka lang! Chismosong 'to, charot.

"umamin siya. May gusto daw siya sa' kin"

Put-

"sorry sorry!" tumakbo si Heesung sa harapan ko at pinunasan ang coke na nabuga niya sa mukha ko.

Sapul pare! Di manlang ako nakailag amp.

"salamat ah? Actually nauuhaw ako eh pero sakto" I said sarcastically.

"sorry talaga, Andrea!" sincere niyang sabi.

Buti sa mukha ko lang lahat napunta yung coke, pero magpapalit naman ako ng damit mamaya.

"siyempre nagalit ako. I mean di naman totally na galit pero di ko siya pinansin ng ilang buwan non kasi nga naiilang na ako sakanya. I can't imagine myself with him kasi nga all my life bestfriend lang tingin ko sakanya tas aamin siya?"

Bahagyang natawa si Sunghoon pero di umabot sa mata niya yon.

"paano lang kayo nagkabati?" Sunoo asked.

"nagsorry siya at sinabing nagkakamali lang pala siya sa nararamdaman niya. I knew it. Masyado lang kaming close kaya hindi ganon yung nararamdaman niya, nalilito lang siya" sabi ko pa.

Di na nila tinuloy yung laro dahil sa kuwento ko. Tinanong ko sila kung gusto ba nila ditong mag dinner pero sa dorm nalang daw.

"ingat ah?" sabi ko sakanila.

"Sunghoon hyung?" Niki asked, di pa kasi sumusunod si Sunghoon sakanila.

"ah sige. Una na kami, Andrea. Sunduin kita bukas ah?" he said, I nodded.

__

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon