32

241 11 0
                                    

Andrea's

"thank you pala sa libreng lunch hehe" sa uulitin, joke!

Palabas na kami ni Sunghoon sa resto malapit dito sa univ kung saan kami kumain. Di ko ba alam dito, pwede naman kasing sa canteen nalang.

Pero nakakamiss din 'to, dati talaga sa labas kami kumakain kasi bukod sa nakakasawa yung menu sa canteen... ang mamahal pa ng tinda nila.

Putek kung isang taon kami sa canteen kakain, para na rin akong bumili ng bahay.

"welcome. Saan ka na pala? I mean, may bibilhin ka pa ba?" tanong niya.

"mm oo samahan mo ako?"

"malamang" ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. Putang- anong ngiti yan?! Panagutan mo ako Sunghoon!

Bumili kami ng mga pinabili ng mga kaibigan ko sa akin pero malamang ako na nagbayad non aba. Di naman sobrang kapal ng mukha ko pero medyo lang.

"ok na lahat?" tumango ako.

Pagbalik sa school ay nandon pa din yung mga students na nakatambay sa hallway. Mukhang wala na nga kaming klase, busy ang mga prof at hihintayin nalang naming mag bell.

"dun ako sa condo matutulog" sabi niya sa akin.

"gusto mo bang magdinner sa bahay? Magluluto ako"

"sige!"

Pagpasok namin ng room ay nandon silang lahat.

"omg pagkain!" sigaw ni Kate.

"ayan oh may pagkain naman ah? Namimili ka pa?" tuturo ko na sana si Niki nang sabunutan niya ako.

"manahimik ka. Hawak ko pamilya mo" banta niya agad.

Inabot ko sakanila yung pagkain at umupo kasama nila. Talagang nakabilog pa yung mga upuan parang may meeting.

Meeting ng mga ogag. Joke.

"hay buti nalang talaga kaibigan natin si Andrea. Salamat, nay" sabi ni Sunoo.

"kung di ka lang talaga cute eh noh? Mangga ka" sabi ko.

"mangga?"

"manggagamit. Kumain na kayo! Bago ko pa bawiin yan"

Saktong pagkatapos ng meeting ay nagring na yung bell.

"hoy kayo magligpit niyan, ako pa?" tanong ko.

Paano ba naman, nagkukumahog na 'tong mga' to na tumayo, tatakas pa. Lalo na yung mga lalaki.

"tamad nyo" nagsimula na si Christienne na magligpit ng kalat.

"kaya nga!" sabi ni Jungwon at tumulong sakanya.

"may meeting pa kami" Niki said, "tara na, Kate"

"nakupo" bulong ko.

Nagulat pa siya na tinawag siya ni Niki. Dahil busy ang iba, di na nakatanggap ng pangaasar si Kate.

Pagkatapos ay pumunta kami sa locker para mag ayos ng gamit at libro.

"una na kami ah? Tara na" sabi ko kay Sunghoon. Kasabay namin sina Angela at Christienne dahil magkakalapit lang kami.

"anong gusto mo?" tanong ko kay Sunghoon.

"huh?! Alin?"

"oa mo tange. Ulam kasi"

"gusto ko yung favorite mong ulam" he said.

Simula nung ipatikim ko sakanya yung paborito kong ulam na adobo ay naging paborito na din daw niya yon. Gaya gaya.

"sige sige" I smiled at him.

"una na kami, Sunghoon, Andrea" Christienne said.

Tumango ako at kumaway sakanilang dalawa at ganon din si Sunghoon.

__

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon