35

237 9 3
                                    

Andrea

"mag two piece ka na lang"

Binato ko ng unan si Christienne sa sinabi niya. Napaka dalang lang tumambay nito dito sa akin. At biglaan lang!

"gaga ang ayos mong kausap!" singhal ko.

"naka tatlong palit ka na, sabi ko naman sayo ok naman kahit anong isuot mo. Si Sunghoon lang naman yan" she rolled her eyes.

"bakit ba gusto mong pumorma jan, para namang magcoconfess ka na tsk" hirit pa niya ampu!

"hoy manahimik ka. Anong ginagawa mo ba dito? Aalis na ako oh"

"edi umalis ka na! Dito lang ako, bawal ba tumambay? Pag ikaw naman eh dire diretso ka pa ngang pumapasok-"

"oo na leche! Dinamihan ko yung ulam, dito ka na din maglunch nakakahiya naman sayo"

Ending, nagsuot nalang ako ng simpleng white off shoulder na top at high waisted jeans.

Pagkalabas ko ay sumunod naman 'tong si Christienne at dumiretso sa sofa at binuksan ang tv.

"kumain ka nalang jan ah" paalala ko pa bago umalis.

Nagtaxi ako nalang ako papunta don dala ang lunch na hinanda ko para kay Sunghoon. Oo sakanya lang, ayokong kumain don dahil awkward  at ayoko rin namang paghandaan ng lunch mga kasama niya.

Joke.

Papasok na ako kaso lang may humarang na guard sa akin.

"kaibigan ni Sunghoon po" halos mapairap ako don.

Tumango ito at sinamahan pa ako sa loob. Nandon sina Shai at Sunghoon na nakaupo at naguusap. Nakangiti si Shai at parang may kinukwento, tumatango lang si Sunghoon sakanya.

"oh, you're friend is here!" ngumiti si Shai sa akin. Wala naman siyang ginagawang masama pero naiinis ako.

Pilit akong ngumiti sakanya at inabot kay Sunghoon yung paperbag na may lunch niya.

"wow!" he smiled widely.

"kumain ka na ba?" tanong niya habang nakatingin sa pagkain.

"hin-"

"hindi pa nga eh, I think bibili nalang ako sa labas ng food ko" sabi ni Shai.

Gulat na tumingin sakanya si Sunghoon. Alam ko, ako yung tinatanong ah?

"uhhh... Ikaw ba, Andrea?"

"sabay kami ni Christienne kakain, nasa bahay siya" I lied.

"edi uuwi ka kaagad?"

Tumango ako at tumabi sakanya. Si Shai naman ay nakatingin sa amin, parang nanonood.

"sarap ah! Di na maalat" Sunghoon said then laughed.

"tsk" napailing nalang ako.

Tinapat niya yung kutsara sa akin, "tikman mo pa" sabi niya.

My eyes widened, I can feel my heart beat so fast. Seryoso ba siya?

I mean oo, minsan ganon ginagawa niya pag may pinapatikim siyang pagkain.

"seriously?" Shai said. "di naman ako na informed na may magbest friend palang ganyan kaclose. I mean- nakakagulat lang"

"wala namang masama kung di mo lalagyan ng malisya" Sunghoon said.

"so di kayo?"

Ayokong marinig 'to. Ayoko na.

He looked at me but I avoided his stare.

"hindi"

Oh my...

"we're just friends"

__

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon