22

253 8 0
                                    

Andrea's

Ang ganda dito!

"mangha ka noh?" Sunghoon asked. Inirapan ko lang siya.

"luh galit ka parin?"

"hindi baliw! Nagmamalaki ka nanaman eh oo na maganda na ako- este itong ice skating rink" sabi ko.

"maganda ka naman talaga"

"tsk talaga?"

"mmm sa sobrang ganda mo ang sarap mong tirisin" pang aasar niya na kala niya maaasar ako.

"at least masarap?" sabi ko. Tumawa lang siya.

Sumalubong sa amin yung coach niya at pinagbihis na siya kaagad. Tinuro naman sa 'kin ni Sunghoon kung saan ako uupo. Katabi ko yung bag niya.

Habang hinihintay ko siya, may lumapit na babae sa' kin. Naka leggings at white tshirt siya. Sobrang ganda.

"hi! I'm Shai Min, ako yung kapartner ni Sunghoon sa performance" she introduced herself.

I smiled. Di ko alam na may partner partner pang nalalaman sila.

"Andrea, Sunghoon's friend"

"yeah I know, nabanggit ka niya sa 'kin kasi kayong dalawa yung wallpaper niya. I thought you're Sunghoon' s girlfriend pero sabi niya wala pa siyang gf" pagdadaldal niya.

Di ko ba alam kung bakit naiirita ako kahit wala naman siyang ginagawa sa 'kin na masama eh.

"pero alam mo yun? The first time I met him I mist admit na he's handsome. I think I like him" kinikilig pa nga.

I think?! I think I like him? Ganon kabilis? Kami nga ilang years magkakilala eh pero bakit naman..

Ano bang iniisip ko? Dapat support ako sa lovelife ni Sunghoon eh bakit nagtutunog bitter ako argh.

"start na" sabi ni Sunghoon sakanya.

Shai smiled at him sweetly. Di ko na napigilang umirap buti nalang walang nakakita.

Pinanood ko yung practice nila. Sobrang dramatic ng music at ang ganda ng ginagawa nila. Minsan magyayakapan sila tas biglang maghihiwalay. Parang akong nasa play ganon.

Nainis na tuloy ako!

"very good! Ang galing galing nyo!" papuri ng coach nila sakanila.

Tahimik lang ako habang pinupuri sila sa ginawa nila. Kala ko matutuwa ako tsk.

"gutom ka na ba? Baka magdikit na kilay mo niyan" tumawa si Sunghoon.

"tsk hinde. Tapos na ba kayo? Gusto ko na umuwi"

HALA HOY BAKIT NAGIINARTE NA AKO DITO KAGIGIL TULOY LALO.

"hala wag muna. Kain muna tayo? Malapit na kami matapos dito, konting steps nalang idadagdag"

"anong step naman yun?" kiss sila ganon para magaling.

"di ko pa alam kay coach pero konti nalang yun. Hintayin mo na ako please?"

"tsh oo na dun ka na" sabi ko.

"dito muna ako. Break muna eh"

"Sunghoon!" tawag ni Shai sakanya.

Umupo siya sa tabi ni Sunghoon at inakbayan ito tsaka pinakita yung kung ano man yung nasa cellphone niya.

Bahagya akong sumilip.

Baka mamaya tinuturuan na netong manood ng kung ano si Sunghoon.

Wtf!? Yun yung kdrama na pinapanood namin. Ep. 13 palang kami ni Sunghoon don pero yung pinapakita niya ay ep. 16 na!

Nahuli ni Shai na nakikisilip ako.

"favorite kasi ni Sunghoon 'to eh tamang tama na nanonood din ako kaya sabi ko sabay na kami" pagkekwento niya.

Ngumiti lang ako.

Hinihintay ko siyang magaya na manood, nauuna na pala lol. Pero di ako nagtatampo.

Hindi talaga.

Tatapusin ko na yun mamaya.

Magsasalita pa sana si Sunghoon pero tinawag na ulit sila.

__

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon