40

244 5 0
                                    

Andrea's

"pagusapan nyo yan"

Ano bang ginagawa ni Christienne dito? I mean ok lang naman, yung topic niya lang ang di ok.

Sinesermonan niya ako na parang nanay ko siya medyo nakakainis nga eh kasi tama naman siya.

"sasayangin nyo yung friendship nyo dahil lang diyan sa feelings mo? Yung pinagsamahan hoy mang hinayang ka naman"

Nagtalukbong ako ng kumot dahil naiinis na ako, hindi sakanya kundi sa akin.

Bakit ba? Ganun din naman ah, pag umamin ako para akong gago non dahil iniwasan ko siya dati nung siya yung umamin.

Tsaka kung ayaw niya sa akin, napaka awkward na non lalo na sa mga kaibigan namin ayoko namang maging pabigat.

"kung iniisip mo kami, wag kang magalala dahil di naman kami papaapekto kung di na kayo magpansinan kasi desisyon nyo yan. Maganda lang na magusap kayo dahil nalilito yung tao sa inaasta mo"

"eh sabi niya friends lang kami! Ganon na din yon" sabi ko.

She sighed heavily, kung di niya lang ako kaibigan baka nasapok na ako beto dahil di talaga ako nagpapatalo.

"inamin mo ba? Sinabi mo bang 'I like you'? Hindi naman ah, wala kang nabanggit"

"wala naman talaga akong sinabi" bulong ko.

"sasabog utak ko sayo, Andrea! Umayos ka nga, ikaw yung may problema eh" sabi niya.

Tumayo siya at lumapit sa pintuan, lalabas.

"pagusapan nyo yan, sobrang liit na bagay pinapalaki mi. Tsaka sumama ka sa amin sa linggo bibili tyao ng damit para sa ball" sinara niya ang pintuan at naiwan akong tulala.

Sobrang liit na bagay pinapalaki mo.

Hell yeah she's right.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan siyang kumakain habang nanonood ng kdrama.

Napakagaling.

"kaka grocery mo lang pala? Kumuha na ako ah hehe"

Kinakain mo na, makakatanggi pa ba ako?

Tumango ako at dumiretso sausina para maghanap ng makakain. Pagkatapos ay tumabi ako sakanya.

"tinatamad ako pumunta" sabi ko.

"edi wag"

Ay pucha nagpapapilit lang eh! Damot amputek, talagang ganyan siya.

"joke lang eh tsk. Pupunta naman talaga ako" sabi ko sakanya.

"may nagaaya naba sayo?" she asked.

Napaisip ako.

Paminsan minsan binibiro at inaasar ako ni Jay tungkol sa partner na yan sa ball, wala namang kaso sa akin kaso assume ko talaga si Sunghoon kapartner ko. Assuming talaga ako.

Pero kung seryosong magaaya siya ok lang naman, choosy pa ba?

"si Jay. Pero joke lang naman daw yon" I said.

She nodded, "wag kang pumayag may inaasar lang yon" di ko masyadong narinig yung sinabi niya dahil may tumili sa palabas na pinapanood niya.

"huh?"

"huh'ng ganda ko sobra"

"putek"

Paano nga na ako non? Sana pumayag siyang makipagusap.

__

Label | SunghoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon