Andrea's
"uy luto na yung chicken" sabi ko kay Sunghoon.
Nakasimangot siyang lumapit sa 'kin. Anong problema neto? Kanina naman ngiting ngiti siyang pumasok sa dito.
Bipolar?
"problema mo?" tanong ko.
Umiling lang siya at akmang kukuha ng manok na niluto ko pero nilayo ko sakanya yon.
Di ako convinced sa sagot niya. Wala daw problema pero halos magdikit na yung kilay niya, meron ba non?
"anong problema mo mm?" tanong ko ulit.
"wala."
"edi wow Park Sunghoon, aamin ka o aalis ka? Dali na kasiii ano ngang problema?"
"pupunta kasi-"
"Andrea!" sabay sabay na sigaw ng mga lalaki.
Nagulat ako at napatakbo papunta sa pinto para makita kung sino yung mga sumigaw.
Nakangiti sina Jungwon, Niki, Jake, Jay, Heesung, at Sunoo sa amin na nasa pinto.
Eh?!
"mukhang may date kayo kaya makikisama kami haha!" sabi ni Jay.
"uh sige sige. Tamang tama, nagluto ako ng chicken.
"ok lang ba, Sunghoon?" nakangisi sakanya si Heesung.
"oo naman"
Oh kaya ba nakasimangot siya? Grabe 'to oh bakit ayaw niya? Mas maganda nga na madami eh.
"kaya pala nakabusangot" pagpaparinig ko.
"tara dito, kain kayo" sabi ko sakanila.
Sabay sabay silang pumunta sa dining table, pero di ganon kalake yung table kasi ako lang naman nakatira dito, kaya yung iba nasa sofa.
"teka lalabas lang ako, bibili akong soft drinks di ako binilhan non ni appa" sabi ko sakanila.
"samahan na kita" presinta ni Jay.
"ok lang, kain ka nalang jan. Si Sunghoon nalang" sabi ko.
"ay osige. Oh kalma ka lang Sunghoon! Parang mangangain eh HAHAHAHAHA seloso amputek" sabi sakanya ni Jay.
Pagkalabas namin, ang tahimik niya.
"smile ka na. Mga kaibigan mo yun eh, ikaw talaga" panenenrmon ko.
"di na nga ako nakasimangot eh"
"oh? Kunware naniwala ako" sabi ko.
"kala ko kasi si Jay hyung talaga isasama mo" sabi niya.
"sus pwede ba yun? Anjan ka naman bakit pa ako magpapasama sa iba. Tsaka ano ka ba? Ano namang problema kung pumunta sila? Sige papapuntahin ko rin nga kaibigan ko" sabi ko.
"ehh kasi nung ako nagsabi na pupunta ako sabi mo magdala akong pagkain kasi ako nakakaubos ng grocery mo tas sila pwede"
"ang cute mo" sabi ko, "joke lang yun tsk di ka ba tumatanggap ng joke? Smile ka na dali"
Pumunta kaming convinience store para bumili ng soft drinks. Dalawang bote lang pinabili ni Sunghoon kasi pinagddiet daw sila.
Pasimple naman akong bumili ng ice cream para sakanila.
Diet? Uso ba yun? Walang magddiet! Joke baka ako mapagalitan pag nadagdagan yung timbang nila.
Habang nasa counter kami, may grupo ng babae ang halatang nagpapacute kay Sunghoon.
Lumayo ako ng konti, para naman masabi nilang single diba? Support ako sa lovelife niya kaya push lang.
Eh kaso eengot engot din, lumapit sa 'kin.
"bakit may ice cream?" he asked.
Ooops.
"hehe"
"bawal kami eh, balik ko nalang" sabi niya.
Wala naman akong nagawa kundi tumango sakanya. Baka nga naman mapagalitan sila.
Nakita ko pang sumunod yung babae sakanya. Nice, masungit yan ate pero go lang.
Inabot ko yung bayad kay ate at hihintayin nalang sana si Sunghoon sa labas.
Kaso saktong palapit na pala siya sa 'kin at yung babae naman padabog na lumabas ng store.
Nyare dun?
"bakit?"
"wala." sagot niya at kinuha yung dala kong soft drinks at nauna nang lumabas.
Leche mas mainit pa ulo sa' kin ah!? Siya ba nireregl4?
__
BINABASA MO ANG
Label | Sunghoon
Historia Corta[[COMPLETED]] "so, anong label nyo?" "More Than Friends, But Not Less Than Lovers" ✎ date started | 02 : 10 : 21 ✎ date ended | 06 : 15 : 21 ❀ Enhypen series #2 ❀