Kabanata 17

687 50 38
                                        

"Paalam anak." huling sabi ng inay. I let her kiss me on the cheek. Isang huling tingin mula sa kanya, at tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Tumulak pa-trabaho, tutor ng ilang bata sa kabilang bayan.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng lakas para ihatid ang inay sa labas at samahan itong maghintay ng tricycle na masasakyan. Ipinagbawal ko sa sarili na masilayan ng araw at ulap. Simula nong umalis kami sa dati naming tinitirhan dalawang linggo na ang nakaraan, I hadn’t stepped foot beyond the walls of this house.

Oo, pinili naming lumayo. Pinili naming magtago.

Ang naging dahilan ng aming pagkukumahog na makaalis sa lalong madaling panahon ay ang naging lakad namin ng inay. Tumungo kami sa isang ospital sa katabing lalawigan, isang ospital na may kalidad ng serbisyong medikal na maihahalintulad sa ospital na pinamamahalaan ng pamilya ni Jacob. Humingi kami ng pangalawang opinyon mula sa isang espesyalista. Tatlong pagsusuri ang isinagawa upang makumpirma ang totoo kong kalagayan.

At ang resulta? Kumpirmado—ako ay nagdadalang-tao.

Hindi ko kailanman naisip na posible iyon, ngunit ayon sa doktor, isa ako sa napakaliit na porsyento ng mga lalaki—isa sa sampung milyon—na may ganitong pambihirang kondisyon.

My pregnancy, she explained, would mirror that of a woman’s but would require more care, more vigilance. From the first trimester to delivery, the journey would be fraught with complications. Sinabi rin ng doctor na magiging cesarean birth ang magiging operasyon ng aking panganganak.

Hindi namin kinita ang doctor na inirekomenda nong matalik na kaibigan ng inay. Napagpasyahan namin na putulin ang ano mang ugnayan o kayay koneksyon sa mga taong nakakakilala sa amin. Bagamat pinanghahawakan pa rin namin ang tiwalang walang ibang pagsasabihan tungkol sa aking pagbubuntis iyong matalik na kaibigang doctor ng inay, mas nanabuting hanggan doon nalang alam nito. Ayaw naming pati siyay maipit sa gulo.

At sa araw na rin na iyon, pagkauwi namin galing hospital, inihanda ng mga magulang ko ang mga papeles ng bahay at lupa upang itoy mabenta. Ang perang hiniram sa kakilalat kaibigan na ibabayad sana sa hospital bills naming mag-ama ay ibinalik ng inay sa pinagkautangan. Maging ang talyer at iba pa naming naipundar ay ibebenta lahat.

Walang pahinga. Iba iba bawat linggo ang kinakaharap na suliranin. At sa bigat ng pangyayari we left the home that had sheltered us for so long.

Selling the house and land wasn’t difficult. But we asked for a few extra days to finalize everything, knowing we would never come back.

Si Inay na ang nag-asikaso ng mga papeles ko sa eskuwela. Siya na rin ang nagsabi sa mga guro ko na titigil na ako sa pag-aaral. Wala siyang binanggit tungkol sa tunay na dahilan ng biglaan kong pagtigil. Alas-kuwatro siya pumunta sa eskuwela, oras ng uwian, upang maiwasan ang mga tanong ng mga kaklase ko.

Isang buwan ang ginugol sa planong paglayo. Hindi naman kasi ito simpleng paglayo lang, kami ay magtatago.

We had to hide, especially from Jacob’s family. We knew they would come for us. Their influence stretched far and wide, and their son’s scandal would not go unanswered.

We had exposed the truth, and that was our mistake.

Imposibleng ipagsasawalang bahala lang ng pamilya ni Jacob ang isyung patungkol doon. Na hindi nila kami babalikan o di kayay patatahimikin. Lalo pa't hindi ko iyon gawa gawa. Kanila ang hospital, madali lang sa kanila na patotohanan ang kababuyan ng kanilang anak.

Araw lang ang bibilangin, Jacob's parents will surely pay us a visit.

At hindi hahayaan ng magulang ko na mangyari iyon.

Dahil magiging komplikado ang lahat kapag magpang-abot ang pamilya ko't pamilya ni Jacob. We will be under their radar. Mapapasailalim kami sa kanilang pagbabantay at iyon ang aming pinakainiiwasan na mangyari. Hindi dapat, especially since I am carrying a child with the Rivera's bloodline. Baka kung anong gawin nila. Mapapatay ko sila.

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon