"Ano't ganyan ang iyong wangis?" ani Rafael pagkalipas ng ilang saglit sa nagtatakang ekspresyon.
Ang pagkatigagal nito ay napalitan ng pagkunot ng noo ng makabawi.
Huling-huli nito ang pilyang ngiti sa mga labi niya na nauwi sa pamumula ng kanyang pisngi.
"W... wala." Ang nau-utal na tugon ni Rada sa binata.
Kung bakit naman kasi napakatiim nang pagkakatitig nito na tila inaarok ang nasasaloob niya.
Nag-iwas siya ng tingin.
Ibinaling ang pansin sa palayan.
Lihim na ikinunot ang ilong upang masupil ang nagbabadyang ngisi.
Haisst Rada! Para kang daga na nahuling nang-uumit ng keso. Anang isip niya.
Pinilit niyang maging normal ang paghinga pagka’t patuloy ang pagsasal ng kaba sa dibdib niya sa hindi niya inaasahang pagsalubong at paghinang ng kanilang mga mata ilang minuto pa lamang ang nakalilipas.
Isang marahang paghinga ang narinig niya mula sa binata.
"Kung handa ka na’y tayo’y lilisan na.
Maaaring hinahanap ka na sa asyenda sa mga sandaling ito at mukhang hindi ka na naman nagpa-alam .” Sabi ni Rafael na sinabayan ng tayo at pagkatapos ay naglakad patungo kay Malik.Kung nagpapasaring man ang binata ay inignora na lamang niya.
Tama na mali kasi ang pahayag nito.
Correction, ipinagpaalam siya ng kaibigan sa mga magulang.
Ang mali ay hindi alam ng mga ito kung saan siya naroroon ngayon.
Habang habol ng tingin sa binata ay isang mabigat na paghinga ang kanyang pinakawalan.
Masyado siyang nadadala ng kanyang damdamin para sa lalaki.
Ngunit tila ay hindi naman iyon pansin ni Rafael, o baka naman sadyang manhid ito?
Hindi manghuhula si Rafael para malaman kung anong damdamin mayroon ka.
Bakit hindi mo subukang ipagtapat ang nararamdaman mo para sa kanya? Wika ng isang bahagi ng utak ni Rada.
Ang tanong, handa nga ba siyang aminin kay Rafael ang nilalaman ng puso niya?
Baka hindi nito magustuhan 'pag nagpaka-bulgar siya, lalo na’t tila version ata ito ni Rizal na napakaluma at napaka-konserbatibo.
Kaiba ito sa mga lalaking nakakasalamuha niya sa SMA na walang ginawa kundi ang magpapansin at magyabang.
Maliban siyempre sa kaibigang si Clark.
Hindi ba sya kahali-halina sa paningin ni Rafael ?
Bakit tila ay kay-lamig nito na sa tingin niya ay napipilitan lamang na pakitunguhan siya?
Ramdam niya ang lagi na'y pag-iwas nito sa tuwing nagpapanagpo sila.
Bagay na hindi niya maunawaan.
Hindi ba sya gusto ni Rafael?
Ano ba ang tipo nito sa babae?
Nagsalimbayan ang maraming katanungan sa mura niyang isipan.
Hustong manakit ng utak niya dahil ni isa ay wala syang mahugot na kasagutan.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib na kumirot sa isiping walang espesyal na pagtingin sa kanya ang binata.
Ang hirap isipin na walang katugon ang damdamin niya para rito.
Love unrequited ang kinasasadlakan na naglalaro sa isip no Rada.
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Mystery / ThrillerIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...