Chapter 12

96 13 6
                                    

Pagkababang-pagkababa ni Rada ay mabilis niyang pinaharurot ang gamit na Strada.

Ni hindi niya alintana ang malalalim na hukay sa mabakong daan.

Tumaas baba ang kanyang dibdib sa nadaramang emosyon.

Ilang marahas na buntong-hininga ang paulit-ulit niyang pinakawalan.

Kanina'y pilit pa siyang nagpaka-kaswal sa harapan ng kaibigan.

Inignora ang pagbangon ng namuong selos.

Hindi niya malaman kung babatiin ang sarili o mapapamura sa pagiging kalmante.

Sa ginawa niyang pagtulong o mas tama sigurong sabihin na pagkunsinte kay Rada ay para na rin niyang isinuko ang kung anumang damdamin mayroon sya para rito.

He adored her.

At kung mayroon man siyang gustong mahalin at alagaang babae ay walang iba kundi si Rada.

Mula pa sa kanilang pagkabata lagi na'y nakadepende sa kanya ang kaibigan.

And he's been very protective to her from the very beginning of their lives.

Walang araw at oras na hindi sya nito kinaylanganan.

Kaya't buo ang paniniwala niya na walang ibang lalaking gugustuhing makasama ang dalagita maliban sa kanya.

Subalit nagbago ang ihip ng hangin mula nang makilala nito si Rafael.

Sa unang pagkakataon ay nagbigay ng ibayong interes at atensyon sa iba si Rada.

Nakita niya ang kakaibang kislap ng mga mata nito sa tuwing pinagmamasdan ang binatang magsasaka.

At sa tuwing nasasaksihan ang senaryong  iyon, lagi na'y naroon ang paninibugho niya para sa lalaki.

Bakit si Rafael?

He's an ordinary man.

Out of their league.

He shouldn't be jealous.

Ano ba si Rafael kumpara sa kanya?

Subalit ni minsan ay hindi sya tiningnan sa ganoong paraan ng kaibigan.

Ni hindi kumislap na animo bituin ang mga mata nito sa kanya.

Lingid sa kaalaman nito ay nahuli niya itong kausap si Cha-cha.

Hindi na niya narinig ang usapan ng dalawa sapagka't nakakubli sya sa di kalayuan.

Subalit nagduda sya sa mga paanas na pag-uusap ng mga ito.

Na mas pinalubha nang makita niyang may iniabot ang empleyada at sa mukha ay nakasuot ang agam-agam.

Naging malikot rin ang mga mata nito na labis niyang pinagtakhan.

Nagduda siya sa mga ikinilos ng dalawa.

There something fishy.

Noong araw ding iyon ay kinausap niya si Cha-cha.

Umamin rin naman agad ang babae sa kanya dahil kinorner nya.

Labis ang paghingi nito ng paumanhin.

Anang Cha-cha ay bukal sa loob nitong tatanggapin ang anumang magiging kaparusahan sa ginawa nitong paglabag sa alituntunin ng SMA.

Bigla siyang nakonsensya at nahabag sa naking reaksyon ng empleyada.

Bakit hindi gayung sya ang may gawa ng pagbabago ng iskedyul ni Rafael.

Sinadya niya ang bagay na iyon upang hindi na magkaroon na pagkakataon ang kaibigan na makita pang muli ang lalaki.

🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon