Habang daan ay tahimik lamang si Rafael.
Banayad ang mga hakbang nito, yaong walang pagmamadali sa mga kilos.
Hindi rin kakikitaan ng pagkabagot o pagkainip ang lalaki.
May mga pagkakataon na humihinto ito sa paglalakad dahil inaalalayan sya lalo na sa mga parteng malubak at maputik.
Puno ng kagalakan ang murang puso ni Rada. Kahit na halatang naglalagay ng distansya si Rafael sa pagitan nilang dalawa.
Mula sa bahay ng mga Samaniego ay tatlong kilometro ang lalakarin bago marating ang highway o main road.
Medyo liblib ang lugar kaya't bibihira ang mga pumapasok na pampublikong sasakyan katulad na lamang ng traysikel.
Maliban kasi sa rough road na ay nagpuputik pa ang daan gawa ng mga pag-ulan.
Kaya't Walang pwedeng pagpilian kundi ang maglakad para lamang marating ang iyong destinasyon.
Iba ang kalsadang ito sa tinahak nila noon ng kaibigang si Clark.
At base na rin sa pagkakarinig niya kanina ay sinabi ni Rafael sa ina na sa short cut road ang daan nila para mapaiksi ang kanilang paglalakad.
Mabuti na lamang at Niyugan ang magkabilaan ng kalsada.
Kahit paano ay Hindi direktang tumatama sa balat ang sikat ng araw dahil sa lilim na hatid ng mga nagtatayugang puno ng niyog at mga dahon nito.
Iginala ni Rada ang mata sa paligid.
Tahimik at tanging huni ng mga ibon ang maririnig.Kapansin-pansin na mangilan ngilan lamang ang mga bahay sa panig na iyon ng San Isidro.
At halos magkakalayo pa ang agwat ng mga magkakapit-bahay.
Gayunpaman ay naaliw sya sa pagmamasid sa palibot.
Lalo na at may parte ng kalsada na malapit sa baybaying dagat.
Awtomatiko ay napahinto sya sa marahang paglalakad at puno ng kasiyahan na pinagmasdan ang magandang reflection ng papalubog na araw sa may dakong silangan.
Pasimple niyang inunat ang magkabilaang binti dahil sa pakiramdam na nangangawit.
Natanaw niya ang pamosong bahay na puti ng mga Zaavedra .
Matayog itong nakatayo sa pinakamataas na bahagi ng burol na animo nagmamayabang sa kanyang makabagong disenyong arkitektural.
Minsan na syang nakarating roon ng imbitahan sila ni Don Manolo sa isang salusalo.
Malapit itong kaibigan ng kanyang ama habang kamag-aral naman nya ang nag-iisang anak nito na si Alexander.
Tinapunan niyang muli ng tanaw ang karagatan.
Pinagdaop niya ang mga mata at umamot ng hangin.
Nalanghap niya ang amoy ng dagat na may kasamang maalat-alat na simoy ng hangin.
Nagbigay iyon ng ginhawa sa dibdib niyang napuno ng tensyon kanina.
"Ayos ka lang ba?" ang naulanigan niyang tanong ni Rafael.
Sa wakas ay umimik na rin ito.
Idinilat niya ang mga mata upang lingunin ang binata.
Nakasuot ang nagtatakang ekspresyon sa hugis kuwadrado nitong mukha.
Kanina pa kasi walang kibo ang lalaki.
At dahil mukhang wala ito sa mood makipagsalitaan ay minabuti niyang huwag nang magbukas ng usapin.
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Misteri / ThrillerIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...